Ipinaliwanag ng producer ng pelikula na si Ms. Annette Gozon na hindi isang loveteam movie ang pelikula, hindi ang mga artista ang ibinibenta rito kundi ang kanilang galing sa pag-arte, ang istorya ng pelikula na ideya at ginawan ng script ni Gina Marissa Tagasa.
Sinadya na hindi gawing kasinglaki nina Dingdong at Iza ang larawan ni Karylle para hindi ma-confuse ang mga tao at akalain na ang pelikula ay isa ring loveteam movie na katulad ng I Will Always Love You. Mahalaga si Karylle sa pelikula pero hindi sila love triangle na tatlo.
Inaasahan ng GMA Films na kahit hindi ito isang loveteam movie ay magtagumpay ito. Isang malaking experiment ang ginagawa nila at bagaman at may takot silang nadarama sa magiging reaksyon dito ng manonood, confident sila dahil maganda ang istorya nila at magaling na nagampanan ng mga artista ang mga roles nila.
Balak, i-import ang pelikula, ipalabas sa mga ibang bansa sa labas ng Pilipinas, para rin maipakita natin na hindi tayo nahuhuli sa ibang bansa pagdating sa mga ganitong proyekto. Ang Moments of Love ay ginawang world-class sa direksyon ni Mark Reyes.
Palabas na sa Marso 29 sa mga sinehan.
"Wala nang TRO, wala nang lahat," panimula ni Lito. "Libre na kaming tumanggap ng mga shows, pumirma ng kontrata at mag-perform kahit na saan.
"Nakapanghihinayang lamang na may malaki kaming project na nawala from a major network pero, hindi ko naman sila masisisi, sino ba naman ang gustong kumuha sa amin tapos mati-TRO lang? Ayaw ng kumpanya ng may problema ang sinumang performer na kukunin nila.
"Actually, di naman kami completely jobless. Marami pa rin naman kaming raket kaya lamang may mga members kaming di naa-acknowledge, di nalalagay sa billing at baka mahabol nila. Pero ngayon, okay na, wala na kaming problema," ani Lito.
May balak ba siyang muling gamitin ang pangalang D Bodies?
"Ayaw ko, malas ang pangalang yun," pagtatapos ng manager ng Baywalk Bodies.
Naulila niya ang mga kapatid na sina Norma Moquins, Letty-Rene Reyes, Eddie-Pinat, Bert-Cathy, mga pamangkin, apo, kamag-anak at malalapit na kaibigan.
Nagpapasalamat si Kasamang Letty sa mga kasamahan niya sa showbiz, Kapuso at Kapamilya networks, lalo na kina Peachy Quioguio, Leah Salterio ng Corporate PR, Boy Abunda, Jesse Chua, Beth Bautista, PMPC, Ethel Ramos, mga nagbigay sa kanila ng text messages, flowers, mass cards, food at higit sa lahat, pagmamahal & care.