^

PSN Showbiz

Hindi loveteam ang ibini-benta ng ‘Moments of Love’

- Veronica R. Samio -
Nag-react daw ang mga fans nina Dingdong Dantes at Karylle dahil hindi prominent ang larawan ni Karylle sa mga posters at billboards ng Moments of Love, ang GMA Films’ movie na nagtatampok sa dalawa (Dingdong & Karylle) pero hindi bilang isang loveteam sapagkat ang mas may malaking role sa movie na isang love story ay si Iza Calzado na siya talagang kapareha ni Dingdong. Istorya ito ng dalawang tao na nabuhay sa magkaibang panahon. Shades of Somewhere in Time and High Frequency. Maliit lamang ang role ni Karylle in terms of time pero not in terms of impact.

Ipinaliwanag ng producer ng pelikula na si Ms. Annette Gozon na hindi isang loveteam movie ang pelikula, hindi ang mga artista ang ibinibenta rito kundi ang kanilang galing sa pag-arte, ang istorya ng pelikula na ideya at ginawan ng script ni Gina Marissa Tagasa.

Sinadya na hindi gawing kasinglaki nina Dingdong at Iza ang larawan ni Karylle para hindi ma-confuse ang mga tao at akalain na ang pelikula ay isa ring loveteam movie na katulad ng I Will Always Love You. Mahalaga si Karylle sa pelikula pero hindi sila love triangle na tatlo.

Inaasahan ng GMA Films na kahit hindi ito isang loveteam movie ay magtagumpay ito. Isang malaking experiment ang ginagawa nila at bagaman at may takot silang nadarama sa magiging reaksyon dito ng manonood, confident sila dahil maganda ang istorya nila at magaling na nagampanan ng mga artista ang mga roles nila.

Balak, i-import ang pelikula, ipalabas sa mga ibang bansa sa labas ng Pilipinas, para rin maipakita natin na hindi tayo nahuhuli sa ibang bansa pagdating sa mga ganitong proyekto. Ang Moments of Love ay ginawang world-class sa direksyon ni Mark Reyes.

Palabas na sa Marso 29 sa mga sinehan.
* * *
Masaya na ang grupong Baywalk Bodies nang huli ko silang makausap sa isang meryenda kasama ang kanilang manager na si Lito de Guzman. Natapos na ang kasong kinaharap nila laban sa WaterPlus. Production na pinamumunuan ni Marynette R. Gamboa.

"Wala nang TRO, wala nang lahat," panimula ni Lito. "Libre na kaming tumanggap ng mga shows, pumirma ng kontrata at mag-perform kahit na saan.

"Nakapanghihinayang lamang na may malaki kaming project na nawala from a major network pero, hindi ko naman sila masisisi, sino ba naman ang gustong kumuha sa amin tapos mati-TRO lang? Ayaw ng kumpanya ng may problema ang sinumang performer na kukunin nila.

"Actually, di naman kami completely jobless. Marami pa rin naman kaming raket kaya lamang may mga members kaming di naa-acknowledge, di nalalagay sa billing at baka mahabol nila. Pero ngayon, okay na, wala na kaming problema," ani Lito.

May balak ba siyang muling gamitin ang pangalang D’ Bodies?

"Ayaw ko, malas ang pangalang yun," pagtatapos ng manager ng Baywalk Bodies.
* * *
Bukas na ang libing ng kapatid ng kasamang Letty Celi na si Ben Pondong Celi ng Batanes, Balik-Balik, Sampaloc, Manila na namatay sa sakit na cancer of the lungs nung Peb 20. Ililibing ito bukas sa Holy Cross Memorial Garden -Novaliches pagkatapos ng isang banal na Misa.

Naulila niya ang mga kapatid na sina Norma Moquins, Letty-Rene Reyes, Eddie-Pinat, Bert-Cathy, mga pamangkin, apo, kamag-anak at malalapit na kaibigan.

Nagpapasalamat si Kasamang Letty sa mga kasamahan niya sa showbiz, Kapuso at Kapamilya networks, lalo na kina Peachy Quioguio, Leah Salterio ng Corporate PR, Boy Abunda, Jesse Chua, Beth Bautista, PMPC, Ethel Ramos, mga nagbigay sa kanila ng text messages, flowers, mass cards, food at higit sa lahat, pagmamahal & care.
* * *
[email protected]

AYAW

BAYWALK BODIES

BEN PONDONG CELI

BETH BAUTISTA

KARYLLE

LITO

MOMENTS OF LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with