‘Operation tulong’ ni Jennylyn!

Nalulungkot ang nanay-nanayan ni Jennylyn Mercado dahil sa trahedyang nangyari sa Southern Leyte kung saan dito sila nagmula.

Naluluha ito kapag may napapanood o naririnig na balita tungkol sa nangyaring trahedya. May bahay sina Jennylyn sa St. Bernard sa Leyte na pinangyarihan ng trahedya.

Dahil dito, may balak na maglunsad ng "operation tulong" si Jennylyn para makatulong sa mga kababayan dun.

Likas na matulungin ang aktres dahil may foundation ito na tumutulong din para sa mga battered children.
Love Songs Ng Banda
Napag-uusapan na rin lang ang mga banda ngayon ay mapapanood sa Sis ang mga magagaling na banda gaya ng Rivermaya, Dice and K9, Mobbstar, Join the Club, Nerveline, Six Cyclemind.

Magkakaroon ng kantahan ang mga banda sa kanilang instant hits.
Manay Gina, Makabuluhan Ang Kaarawan
Pinangunahan ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang mga bisita ni Manay Gina de Venecia sa kanyang kaarawan kamakailan na idinaos sa The Haven for Women at Marillac Hills sa Alabang. Naroon din ang Congressional Spouses Foundation at INA Foundation.

Nagkaroonb ng groundbreaking rites ng multi-purpose Gym para sa mga kliyente ng The Haven for Women at Marillac Hills na dream project nito.

Nagbigay din ang PCSO ng dalawang ambulansya para sa The Haven For Women and The Haven for Children.

Bukod sa mga charity works, si Manay Gina rin ang hosts ng Nagmamahal, Manay Gina, isang daily drama series sa DZBB na humataw sa pinakamataas na rating sa lahat ng mga soap opera sa Philippine radio batay sa latest survey na ginawa ng Nielsen Media Research.
Katrina, May Movie Na
Nagbunga na rin sa wakas ang pagtitiyaga ni Katrina Halili. Pumirma na ito ng kontrata sa Regal Films kung saan sa unang pelikulang maglulunsad sa kanya bilang ganap na bituin ay makakatambal nito si Dingdong Dantes.
BLIND ITEM: Banda, Dumayo Pa Ng Baguio Pero Di Naman Nakakanta
Naikwento ng aking kaibigang PRO sa isang recording company na naawa siya sa isang sikat na banda na dumayo pa ng Baguio para sa isang show pero hindi nakapag-perform.

Nagkagulo sa schedule ng programa kung saan singitan nang singitan ang ibang performer. Madaling araw na ay di pa natatawag ang bansa kaya ang ending ay umalis na lang sila dahil konti na lang tao. Maaga pa namang dumating ang banda pero di muna sila pinaunang kumanta dahil pinaboran pa ng gumawa ng schedule ang mga sumisingit na performers.

Show comments