Mister ni Donita, gustong ma-meet si Gary Estrada

Nasanay tayo na makitang di pa man nag-iinit ang inuupuan ni Donita Rose ay hangos na naman ito ng pag-alis. Madalas, di natin alam kung nasa bansa man siya o wala.

This time, medyo matatagalan siya rito, dahil bukod sa magsisimula na siya ng shooting ng Seed of Contention na ipoprodyus, isinulat at ididirek ng kanyang matalik na kaibigang si Anna Marie Laperal na nagtapos ng kanyang kurso sa Amerika, summa cum laude ay mayro’n siyang bagong komersyal na gagawin. Gagawa rin siya ng libro, isang autobiographical na magtatampok maging ng makulay niyang lovelife. Kasama ang episode nila ni Gary Estrada na simula nung mag-asawa siya ay di pa niya nakikita.

"Walang problema kay Erik (Villarama, her husband) dahil wala naman akong ipinaglihim sa kanya. Sana mag-meet kami ni Gary whom I heard is also happily married now. Gusto rin siyang ma-meet ni Erik," ani Donita naman. – Virgie Balatico

Show comments