Samantala, enjoy si Angel sa kanyang horse back riding lessons kay Mikee Cojuangco.
Limang araw lamang ay natuto na agad siya. Yun nga lang, sumasakit ang kanyang katawan. Ang pangangabayo ay kailangan niya sa bagong teleserye niyang Majika katambal si Dennis Trillo.
Isa sa may labis na pagmamahal sa movie industry si Cong. Rudy Bacani.
"Mabuti na lang at uso ngayon ang digital films. Pero naniniwala ako na hindi tuluyang mamamatay ang pelikulang Tagalog," aniya.
Nakikiayon ito sa magandang layunin ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ma-globalize ang mga pelikula natin kaya naman nagbibigay ito ng insentibo lalo na kapag sumasapit ang Metro Manila Film Festival para makagawa ng mga de-kalidad na pelikula.
Tumutulong noon si Congressman Bacani sa Manila Film Festival. Umaasa ito na sanay magbalik ang pagdiriwang ng Manila Film Festival.
Ang kanyang magandang maybahay ay mahilig manood ng pelikulang Tagalog at updated sa mga nangyayari sa showbiz.
Hindi na lang niya ito kinakausap, pinapasok na lang ng bahay at siya naman ay dumiretso na sa kwarto para matulog muli. Ang ending, ang nanay-nanayan ng aktres ang nagsabing huwag nang dumalaw ang aktor sa ganoong oras dahil hindi magandang tingnan.