^

PSN Showbiz

Ibang klase ng hold-up sa cellphone

- Veronica R. Samio -
Wala na akong cellphone! Hindi naman ako na-hold-up, o na-snatch kaya pero, nawala ito, kinuha ng di ko kilalang tao na kilala ko ang mukha at alam ko kung saan ko makikita.

Nobyembre pa, mga last week nang mawala ang ilaw ng screen ng cellphone ko na 3350. Sabi ng driver ko, may alam siyang gumagawa kaya ibinigay ko sa kanya. Nang bumalik siya sabi makukuha the next day at P500 ang bayad.

Nakuha ko naman pero di pa nakakadalawang araw ay nawala uli ang ilaw kaya ibinalik niya sa gumagawa. May panibago raw sira na kailangang bayaran ng P1,000. Yun ang huling pagkakakita ko sa aking cute at pulang-pulang cellphone na 3350.

Magpa-Pasko na ay di ko pa rin ito nakukuha dahil mahirap daw hanapan ng piyesa. Pero, tumanggap ako ng alok sa gumagawa na kung ipagbibili ko ng P4,500 bibilhin niya. Eh, ayaw ko, di pa nagagawa kahit minsan ang phone ko at papasa pang bago.

Dumaan ang Pasko, ang buwan ng Enero nang wala pa rin ang cellphone ko. Okay lang dahil marami naman kaming naka-tenggang phone sa bahay. Mga pinagsawaan ng mga anak ko. Dun ako kumukuha ng mga ginagamit ko. Naisip ko pa nga na bakit di ko na lang ibenta sa gumagawa, at bibili na lang ako ng bago. Pero, nagbago ako ng isip lalo na nang may ipakita sa aking cellphone ang driver ko na ipinagbibili, lumang-luma na pero, P6,500 pa ang halaga.

Mga kalagitnaan na ng Pebrero nang biglang dumating ang driver ko na may dalang cellphone, tuwang-tuwa pa ito dahil bago raw yung cellphone. 3360, maganda pero, di yun ang cellphone ko. Nang puntahan ko ang gumagawa, na nasa Ana & Paul, isa sa mga stall sa loob ng Cell Depot na katabi ng SM Manila, ipinagpilitan ng may-ari na yun daw ang CP ko, iba lang ang labas dahil pinalitan niya pero yung loob akin daw. Di ko tinanggap ang paliwanag niya. Sinabi ko na kailangang isauli niya ang CP ko, gawa man o sira.

Kinabukasan, tumawag sila sa driver ko, gawa na raw ang CP ko. Ang dali naman! Di ko agad napuntahan dahil marami akong work. Inabot pa ng dalawang araw bago ko ito napuntahan. Pero, di ko pa rin nakuha. Dala raw ng may-ari. Obviously ginagamit niya at sa tagal nang paggamit niya, ayaw na niyang isoli. At ang siste mo sinisingil niya ako ng P3,800 na nang magreklamo ako ay binabaan niya ng P3,500 hanggang maging P3000. O, di ba lokohan nang talaga?

Anong gagawin ko? Balak kong ibigay na lang sa kanya ang phone, dahil nai-stress na ako, nagbi-vertigo pero, parang pumayag na ako sa kalokohan niya. After me, I’m sure marami pa siyang mabibiktima.

Ano ba ang ginagawa ng mga taong tulad ko? Kanino ba ako dapat na lumapit, mag-reklamo? Wala bang proteksyon ang mga katulad ko sa mga mapagsamantalang katulad niya? Di nga niya ako tinutukan para makuha ang phone ko pero, in a way ninakaw niya rin, hinoldap niya rin ako.
* * *
Di ko sana iiwan ang launching ng "Maharot" album ng bandang Kamikazee pero, talagang inabot na ako ng hilo sa lakas ng sound system sa Metro Bar at sa walang patid na pagpapalit-palit ng mga ilaw. Bago pa ako panawan ng ulirat, tinakasan ko ang launching.

Pampagising ang musika ng Kamikazee, lalo na ang carrier single ng album "Narda". Nasa Top 10 ito ng maraming countdowns, ginawan ito ng video ni Ace Enriquez na napanood na sa MYX. Mga potensyal hits din ang "Chicksilog", Ambisyon", "Discoskwela", "Apir Day", "My Tender Bear" at "K.K.K."

Ang Kamikazee ay binubuo nina Allan Bords Burdeos sa drums, Jason Puto Astete sa bass, Led Tuyay sa gitara, Jomel Linao sa gitara rin at second vocals at Jay Contreras sa lead vocals.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ACE ENRIQUEZ

AKO

ALLAN BORDS BURDEOS

APIR DAY

CELLPHONE

NANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with