Center for Pop, ilulunsad ang C4P Records

Sa darating na ika-1 ng Marso 20, 2006, nakatakdang maglunsad ang Center for Pop Music Philippines, Inc. ng kanilang bagong recording company na C4P. Ito na ang kasagutan doon sa mga nangangarap maging future singing stars. Ito’y gaganapin sa alas-6:00NG sa Peta Theater Center, Sunny Side Drive, Rodriguez Ave., QC.

Ang C4P ay pinamumunuan ni Butch Albarracin, president, founder at CEO ng Center for Pop Music Philippines.

Ang kauna-unahang recording artists na ilulunsad ng C4P ay ang Centermates, isang grupo ng song-and-dance kids na may edad mula 9-11 years old — Carlyn Ocampo, Christelle Peig, Jasmin Salyo, Migs Raymundo at Randell Panganiban. At halos lahat ng kanilang mga awitin ay isinulat ni Butch.

C4P’s General Manager ay si Gwen Albarracin kasama si Tysha May Liong bilang sales manager, Jeff Medes, promotions manager, Cherri Vela, shows at booking coordinator, Joey Llamado, special events coordinator, Leah Mendoza, recording sales coordinator, Iya Ramos, media relations staff at Angeline Lee, executive assistant.

Si Tato Malay, dating recording executive ay consultant ng C4P at ito’y distributed ng Galaxy Records. Sa ibang mga katanungan, tumawag lamang sa Center for Pop Music Philippines, 73 Ermin Garcia St. Cubao, QC, 7239373; 7275293 at 4117310. – BING ADORNA

Show comments