Say mismo ng taga-QTV 11, "Salamat ha, na-rescue mo ang show, siguro napag-isipan na hindi dapat tsugihin dahil sa totoo lang, maganda talaga yung show at in fairness, marami kaming e-mails na natatanggap na gusto nila ang show kasi very informative raw."
Anyway, bakit hindi na lang ilagay sa GMA 7 ang programa ni Rhea para pasukin ng ads at tsugihin ang ibang programa ng Siete na mahina na sa ratings at ads.
"Paki-klaro lang na si Willie pa rin ang host ng papalit sa Wowowee at hindi siya papalitan dahil sa kanya talaga ang timeslot na yun. Title lang ang babaguhin dahil hindi na maganda kung Wowowee pa rin ang gagamitin," paliwanag sa amin.
At say naman ng executive na pinagtanungan din namin kung kelan ang airing ng new show ni Willie ay, "As of now, no advise yet, I will inform you as soon as plantsado na, thanks for asking."
Bakit nga ba napasok ang name ni Randy sa isyu, di kaya pinapa-float lang ito ng kampo ng singer/tv host para sa promo ng bago niyang album?
Si Nina kasama ang katotong Ogie Diaz ang segment hosts nun para sa showbiz reports nila, pero pareho silang natsugi dahil nagtitipid daw ang nabanggit na morning show. Marahil ngayon ay kaya na ng MUP na magbayad ng mataas na talent fee kaya muling ibinalik si Nina minus Ogie nga lang?
Anyway, gaano rin katotoo na tila hindi raw kinakausap ng mag-asawang Julius Babao at Tintin Bersola ang executive ng MUP dahil hindi raw nila ito feel kausap?
Bukas ang espasyong ito para kina Julius, Tintin at sa nabanggit na executive ng programa.
Kwento mismo ng taong malapit sa ex-girlfriend ng young actor na pinagsabihan na nila ang huli na huwag nang dadalaw dahil nga may kasalukuyan na itong karelasyon ngayon at baka siya (ex-girlfriend) pa ang pagmulan ng gulo ng dalawa.
Say naman daw ng young actor na gusto lang niyang makipag- kwentuhan sa dating dyowa dahil nami-miss niya ito at ang current girlfriend naman niya ay bisi-bisihan bukod pa sa hindi rin yata pabor ang magulang ng girlfriend niya sa kanya (young actor) kaya patago raw kung magkita sila.
Naintindihan naman daw ng ex-girlfriend ang problema ngayon ng young actor kayat ini-entertain, kaso lang sa madaling araw hanggang umaga sila naghuhuntahan at naglalaro ng playstation, kaya ang kampo ng ex-girlfriend ay mga puyat din dahil ayaw nilang mapag-isa ang dalawa. REGGEE BONOAN