Local films, ibebenta sa HK film market

Sinagot ng Film Development Council ang booth fee na $3,000 ng Pilipinas sa gaganaping Hongkong International Film and TV Market (FILMART) on March 20.

Ito ay after na mag-request ang Film Academy of the Philippines headed by Mr. Leo Martinez ng financial assistance sa FDCP, na hindi naman pinag-isipan ni Mr. Atienza.

At bilang pasasalamat, nagpadala si Mr. Martinez ng isang letter kay Mr. Atienza.

Kasama sa mga pelikulang ‘ibebenta’ sa booth ng Pilipinas sa gaganaping Hongkong International Film and TV Market ang Lovestruck, Let The Love Begin, Mulawin, The Movie, Enteng Kabisote, Kutob, Dreamboy, Can This Be Love, Nasaan Ka Man, D’Anothers, Dubai, Bahay Ni Lola 2, Ispiritista, Hari Ng Sablay, Ako Legal Wife, Shake Rattle and Roll, Blue Moon, Say That You Love Me, Happily Ever After, Sa Aking Pagkakagising Mula sa Kamulatan, La Visa Loca and Pinoy Blonde.

Ang pangalan ng Film Development Council of the Philippines ang iki-carry ng booth kung saan makikita ang mga movie posters at iba pang movie collaterals ng mga kasaling pelikula.

Sina Ms. Cristine Dayrit, Cinema Evaluation Board Chairman and Mr. John Suarez, Executive Secretary ng FAP ang magiging advance party.

Kasama sa a-attend aside from Mr. Suarez and Ms. Dayrit, sina Mr. William Mayo (for FAP), official representatives of Star Cinema, GMA Films, OctoArts, Canary Films, Regal Films, Good Harvest and MAQ Productions, Unitel Films and GEE Productions.

Tatagal ang Hong Kong International Film and TV Market (FILMART) 2006 ng four days - March 20-23 sa Hall 5, Hong Kong Convention and Exhibition Centre 1 Harbour Road Wanchai, Hongkong.

Ang Hongkong Trade Development Council ang organizer at supporting organizations naman ang Federation of Hong Kong Filmmakers, Film Services Office, Television and Entertainment Licensing Authority, Hongkong Digital Entertainment Association, Hongkong, Kowloon and NT Motion Picture Industry Association, Hongkong Televisioners Associations and Movie Producer and Distributors Association of Hong Kong.

Last year, umabot sa 353 ang exhibitors and 2,832 and number of visitors. Year 2004, 304 ang number of exhibitors and 2,286 ang number of visitors.

Isa ang FILMART sa most important events sa Asia dahil makikita rito ang best Asian Films.
* * *
Overwhelmed si Sarah Geronimo sa warm reception sa kanya nang dumayo sila ni Mark Bautista sa Zamboanga kamakailan. Kuwento ng mother ni Sarah, kasing laki ng Araneta ang venue ng concert pero sobrang dami raw ng tao. Almost 13,000 ang capacity ng Summit Center Zamboanga.

In demand talaga si Sarah sa mga probinsiya.

Anyway, bukod sa mga provincial and out of country na concerts, masayang-masaya si Sarah sa takbo ng career niya. Aside from Little Big Star na ang taas ng rating, kaya nga nagkaroon ng Cebu Edition, ginagawa rin ni Sarah ang Bituing Walang Ningning at katatapos niya lang sa episode ng Your Song.

"Paulit-ulit na lang po ang pasasalamat ko sa lahat ng mga blessings na natatanggap ko," sabi ni Sarah.

Anyway, kamakailan ay naki-join si Sarah sa ginanap na blood letting sa Damayan ng Star Group.

Sad to say lang, hindi siya nakapag-donate ng dugo dahil low blood siya. Ini-encourage sana siya ni Ms. Rosa Rosal, head ng National Red Cross na mag-donate ng blood pero nang i-check ng doctor kung puwede, hindi nakapasa. But anyway, very healthy naman siya, nagkataon lang na puyat daw ang pop princess kaya medyo mababa ang BP.

Dumating din si Ms. Lucy Torres sa nasabing blood letting na project ng Damayan, headed by our boss Mr. Miguel Belmonte of the Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, Pang Masa (PM), The Freeman and Banat News.
* * *
Late na kaming dumating sa party ni Sen. Jinggoy Estrada last Saturday night kaya hindi na namin na-witness ang beso-beso nina Pops Fernandez and Ara Mina. Siyempre, iisa ang dahilan ng usapan sa kanila, si Jomari Yllana. Si Kuya Mar de Guzman-Cruz ang nagtsika nang nasabing beso-beso ng past and present na babae sa buhay ni Jomari.

Anyway, in full force ang mga kaibigan ni Jinggoy sa kanyang birthday last Saturday night. Present siyempre ang kaibigan niyang sina Rudy Fernandez, Sen. Bong Revilla with wife Lani Mercado and Rudy Fernandez with wife Lorna Tolentino.

Kasama naman ni Gretchen Barretto si Mr. Tony Boy Cojuangco, Tirso Cruz III, Ricky Davao, Richard and Lucy Torres, Eddie Gutierrez and Annabelle Rama, at maraming-marami pang iba.

Hindi man namin nakausap si Sen. Jinggoy para tanungin kung anong birthday wish niya, malamang sasabihin niyang makalaya na sana ang tatay niyang si ex-pres. Joseph Estrada.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments