Pumayag na rin sa wakas na ituloy ang pagiging kontrabida ni
Angelika dela Cruz sa teleseryeng
Bituing Walang Ningning na tatampukan ni
Sarah Geronimo. Mild lang ang character role nito di gaya ng sa fantaseryeng
Super Inggo kung saan maldita talaga ang papel na gagampanan nito kaya tinanggihan ang proyekto.
Francine, May Bagong Friends |
Nalulungkot si
Francine Prieto dahil nawala na ang
Etheria at hindi naman siya nakasama sa
Encantadia. Pero malaki ang natutunan niya sa natsuging teleserye at enjoy sa naging karakter bilang Reyna Avria. "Ang ganda-ganda ko bilang reyna kaya ibang-iba ang kilos ko," aniya.
Umaasa ito na sanay magkaroon uli siya ng teleserye sa papel na reyna kung saan bongga ang mga gown nitong isinuot.
Saludo siya sa mga kasamahang sina
Sunshine Dizon,
Karylle,
Diana Zubiri at
Iza Calzado dahil naging magkabarkada sila nang magkasama sa
Etheria. Nakakita siya ng mga tunay na kaibigan sa katauhan nila.
Echo, Nag-Aral Ng Bisaya! |
Hindi lang pagbo-boksing ang pinag-aralan ni
Jericho Rosales sa Wushu Federtion bilang paghahanda sa role ni
Manny Pacquiao kundi gayundin ang pagsasalita ng Bisaya.
"Kapag nagi-English kasi si Manny ay nakakatuwa ang kanyang accent kung saan lumalabas din ang pagiging Bisaya nito. Very proud akong napili bilang si Pacman para sa pelikulang
Pacquiao dahil I consider him as man of the hour," anang aktor.
Blind Item: Brokeback Mountain Effect |
Kahit pagod sa shooting at singing engagements si Singer A ay pinupuntahan pa niya ang kaibigang singer na si B dahil katwiran nito ay pupunta na ng Guam si Singer B kaya mami-miss niya ito. Kahit anong pigil ng kanyang manager ay pupunta pa rin si Singer A sa isang lalawigan sa Batangas para lang makita si B.
Nag-dialogue pa si singer A ng "Ayokong umalis siya nang hindi pa kami nagkikita." Matagal na natsitsismis si A sa gwapong singer na si B pero lagi nitong ikinakatwiran na magkaibigan lang silang matalik.
Habang nasa Guam si Singer B para sa mga shows dun ay abala naman sa telebisyon at pagre-recording si Singer A.