Di pa natatagalan nang binasted lahat ni Maja ang mga manliligaw niya. "Ayoko na munang magpaligaw. Akala nila porke bata pa ako ay pwede na nila akong lokohin. Isinumbong ko pa silang lahat kay Tito Ipe (Phillip Salvador). Tuturuan ko silang rumespeto sa babae kahit sa isang bata na tulad ko," himutok ni Maja.
Simula na ng airing ng Sa Piling Mo sa Peb. 27. Kasama rito ni Maja si John Wayne Sace, tampok ang tambalan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual.
Malapit na ring ipalabas ang Sukob na kung saan ay kasama niya sina Kris Aquino, Claudine Barretto sa direksyon ni Chito Roño.
Nineteen years old lamang si Lawrence na nadiskubre habang nagmomodelo ng isang major apparel and clothing line. At 61", bagay siya sa kanyang trabaho kaya nga malakas ang impact niya sa audience.
Kasali na siya sa Metro Hunks of Metro Bar nang makuha siya sa Pizza Hut TV and print advertisement nung 2005. Napanood din siya bilang kaibigan ni Mike Tan sa season 8 ng Love To Love ng GMA7 at isa rin siyang finalist sa katatapos na Page Model Search.
Malaking exposure niyang maituturing ang pagiging front act sa mga mall tours ni Shiella Mae. Ang singing ability naman niya ang ipamamalas dito ni Lawrence.
Si Lawrence ay isa sa mga talento ng bagong tatag na Bright Lights Entertainment na pinamumunuan nina Dennis G. Arce bilang marketing director; Zachary C. Barlahan, VP for finance at ang katotong si Fernan "Ms F" de Guzman bilang publicity manager.
Ang Bright Lights ay nagma-manage at nagbu-book ng talents, involve sa production of albums, concerts, theatrical plays at special events.