Anak ni Yilmaz sa iba, ipinag-birthday ni Ruffa sa bahay niya!

Napakabilis talaga ng panahon! Parang kelan lang nung magkasintahan pa lamang sina Julius Babao at Tintin Bersola hanggang sa kanilang pagpapakasal three years ago. Ngayon ay meron na silang bundle of joy, si Antonia na mag-iisang taon na sa darating na Pebrero 26 pero ang kanyang first birthday party ay gaganapin sa Pebrero 25.

Parehong hands-on parents kay Antonia ang kanyang mga magulang na sina Julius at Tintin. Kapag wala rin lamang trabaho ang dalawa ay asahang silang dalawa ang nag-aalaga sa kanilang baby.

Si Antonia ay carbon copyng kanyang daddy Julius kaya naman ganoon na lamang ang pagiging over-protective ni Julius sa kanilang panganay ni Tintin.
* * *
Two months pregnant na si Aiko Melendez nang sila’y ikasal nung nakaraang Huwebes (Feb. 16) ng hapon sa kanyang kasintahang modelo na si Martin Jickain.

Si Aiko ay may isang anak, si Andre (7) sa kanyang unang asawang si Jomari Yllana na ang kasintahan naman ngayon ay ang ex-wife ni Martin Nievera na si Pops Fernandez.

Kung nauwi sa hiwalayan ang unang pagpapakasal ni Aiko, mag-last naman kaya ang relasyon nila ng kanyang ikalawang mister na si Martin lalo pa’t hindi pa ganoong katagal ang kanilang relasyon bilang magkasintahan bago sila nagpakasal?
* * *
Tuluyan na ngang tinuldukan ni Ruffa Gutierrez ang kanyang sama ng loob sa dating kasintahan ng kanyang asawang si Yilmaz Bektas na si Selen, ina ng walong taong gulang na panganay ni Yilmaz na si Ilknaz. Kamakailan lamang ay nagkabati na sina Ruffa at Selen bagay na ikinatuwa ni Yilmaz. Bilang tanda na wala ng sama ng loob si Ruffa sa ex ni Yilmaz, si Ruffa pa ang naghanda sa ika-walong kaarawan ni Ilknaz na ginanap sa bahay nila ni Yilmaz sa Istanbul nung nakaraang January 21. Syempre pa, dumalo rin si Selen na kaibigan na ngayon ni Ruffa. Tuwang-tuwa rin ang magkapatid na Lorin at Venice dahil close sila sa kanilang big sister na si Ilknaz.

Kung close na kay Ruffa ang kanyang step-daughter na si Ilknaz, ganoon din naman si Selen sa mga anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice.

Ayon kay Ruffa, ang pagkakabati nila ni Selen ay nangyari din sa araw na nagkabati muli ang kanyang mommy na si Annabelle Rama at Mother Lily Monteverde na nangyari sa kaarawan mismo ng kambal na kapatid ni Ruffa na sina Richard at Raymond Gutierrez nung January 18.

Ang mag-iinang Ruffa, Lorin at Venice ay nakatakdang dumating sa Maynila sa darating na Lunes, February 20 para sa isang buwang bakasyon. Susunod naman dito ang mister ni Ruffa na si Yilmaz sa susunod na buwan at nakatakda silang magtungo ng Boracay, Cebu at Palawan.
* * *
E-mail a_amoyo@pimsi.net

Show comments