Isipin mo nga naman, ilang taon na rin siyang artista, at pinakakanta-kanta sa kung saan-saang tv shows, isinasama pa siya sa mga hindi naman singers talaga, pero bilang singer ay hindi naman siya nabigyan ng break. Mabuti nga at kinuha siya ng ibang recording company at nabigyan ng pagkakataon. Kung natali siya pati sa recording doon sa kanyang homestudio, aywan kung magkaroon siya ng ganyang break lalo na sa abroad.
Ganyan ang nangyayari ngayon lalo na sa ibang Asian artists. Tingnan ninyo si Rain, sikat siya ngayon sa Taiwan, Japan, India, bukod pa sa sarili niyang bayan sa Korea. Ganoon din ang matinee idol sa Korea na si Bae Yong Joon. Ano ang malay ninyo baka maging star din sa buong Asya si Jericho.
Nagawa na iyan ng mga Pilipino noong araw pa. Bukod kay Pilita Corrales na naging sikat sa buong Asya, naging malaking singing sensation din noong araw si Helen Gamboa, kaya nga lang sa abroad ay kilala siya sa kanyang alyas na Bunny Channel.
Malaking bagay din iyon. Kung halimbawang sumikat nga si Jericho sa abroad, pati ang kanyang pelikulang Pacquiao maaari na ring ibenta roon. Ganyan ang kailangan natin sa ngayon eh, iyong maibenta sa abroad ang ating mga pelikula at mapasikat din doon ang ating mga artista, dahil kung dito lang sa local market ang ating aasahan, mukhang wala pa ring mangyayari.
Iyan ang kaibahan ni Ara Mina, basta sineryoso niya talaga ang ano mang bagay sa kanyang career, talagang trabaho ang kanyang ginagawa. Kahit naman noong araw, hindi kagaya si Ara ng iba na ma-in love lang ay nasisira ang career. Para sa kanya, talagang ginagawa niyang priority ang career.
Marami ang nanliligaw kay Ara. Bakit naman hindi eh talaga namang maganda siya? Pero nagagawa niyang siguruhin na mas mabibigyang panahon niya ang kanyang trabaho bago ang ano pa man.