Manny Pangilinan, binili ang Ch-9 at 13!
February 17, 2006 | 12:00am
Napag-alaman namin na nabili na umano ng PLDT big boss na si G. Manny Pangilinan ang dalawang sequestered TV networks na IBC-13 at RPN-9 na dating pag-aari ng pamilya Benedicto. Sa pagpasok sa TV broadcasting business ni G. Pangilinan, tiyak na magiging maganda ang network war dahil tiyak na kaabang-abang ang mga pagbabagong mangyayari sa dating giant networks na IBC-13 at RPN-9 lalo pat magiging business partner umano ni G. Pangilinan ang dating presidente at consultant ng ABS-CBN na si G. Freddie Garcia.
Natitiyak din namin na maraming talents ng ABS-CBN ang inaasahang lilipat sa IBC-13 at RPN-9 dahil na rin kay G. Garcia.
Since walang gaanong equipment ang RPN-9, may posibilidad na mag-focus muna sila sa IBC-13.
During the late 70s hanggang mid-80s ay ang IBC-13 at RPN-9 ang namamayagpag sa ere. Nasa dalawang istasyon ang mga local top-rating shows noon.
Sa pagtatambal nina G. Manny Pangilinan at G. Freddie Garcia sa TV broadcast business, lalong hindi dapat magpabaya ang ABS-CBN, GMA-7 at ABC-5.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit napakabagal pa rin ng improvement ng ABC-5 considering na si G. Tonyboy Cojuangco na ang may-ari nito at nasa kanila na rin si G. Bobby Barreiro na nanggaling sa GMA-7.
Kapag nagsimula nang magparamdam ang IBC-13 at RPN-9, tiyak na lalong mapag-iiwanan ang ABC-5.
May suspetsa kami na baka i-pirate ni G. Garcia si Korina Sanchez at iba pang prominent personalities ng ABS-CBN.
Kapansin-pansin na hindi na napagkikita ang news anchor na si Erwin Tulfo sa bakuran ng ABS-CBN at maging sa mga programa ng TV network. May mga panahon na namamayagpag si Erwin sa rami ng TV programs sa Kapamilya Network. Huli siyang napanood sa Magandang Gabi Bayan na namaalam na rin sa ere.
Samantala, kung hindi na napapanood sa mga news and public affairs program ng ABS-CBN si Erwin, kabi-kabila naman ang mga programa ngayon ni Julius Babao na araw-araw napapanood sa Magandang Umaga Pilipinas at TV Patrol at sa bagong programang XXX tuwing Sabado ng gabi kasama sina Karen Davila at Henry Omaga Diaz.
Napag-alaman din namin na balak din umanong tanggalin na rin ang week-end edition ng TV Patrol World kung saan sina Henry Omaga Diaz at Bernadette Sembrano ang anchors.
Maraming mga pagbabago sa programming ng ABS-CBN ang nakatakdang mangyari sa mga darating na araw. Napag-alaman namin na malapit na rin daw mamaalam sa ere ang Bora dahil hindi ito nagri-rate sa kabila ng mabigat na cast nito. Kung hindi kami nagkakamali, papalitan ito ng bagong programa ng mga unang housemates ng Pinoy Big Brother.
Pagkatapos mag-break last September ng magkasintahang Jennylyn Mercado at Mark Herras, sina LJ Reyes at Mike Tan naman ang napapabalitang break ngayon. Tulad ng bagong break-up nina Jennylyn at Mark, hindi rin umano nag-uusap at nagpapansinan ngayon sina LJ at Mike. Dahil tanggap na ng kanilang mga fans ang kanilang tambalan, tiyak na ito ang unang magsa-suffer. Siguro panahon na rin na at ipareha na sila sa iba.
Ang magkukumareng Lorna Tolentino, Sandy Andolong, Amy Austria at Gina Alajar ang producer ng weekly sitcom sa QTV 11 na O Mare Ko na napapanood tuwing Huwebes 8:30NG. Itoy co-production ng GMA at Vera Multi-Media, Inc. Ang Vera ay initials ng mga producers.
Hindi man aktibo ngayon si Michael V. sa paggawa ng pelikula, buhay na buhay naman ito sa kanyang tatlong regular TV shows at paggawa ng TV commercials.
Si Michael V. ay sampung taon na ring talent ng GMA.
[email protected]
Natitiyak din namin na maraming talents ng ABS-CBN ang inaasahang lilipat sa IBC-13 at RPN-9 dahil na rin kay G. Garcia.
Since walang gaanong equipment ang RPN-9, may posibilidad na mag-focus muna sila sa IBC-13.
During the late 70s hanggang mid-80s ay ang IBC-13 at RPN-9 ang namamayagpag sa ere. Nasa dalawang istasyon ang mga local top-rating shows noon.
Sa pagtatambal nina G. Manny Pangilinan at G. Freddie Garcia sa TV broadcast business, lalong hindi dapat magpabaya ang ABS-CBN, GMA-7 at ABC-5.
Samantala, marami ang nagtataka kung bakit napakabagal pa rin ng improvement ng ABC-5 considering na si G. Tonyboy Cojuangco na ang may-ari nito at nasa kanila na rin si G. Bobby Barreiro na nanggaling sa GMA-7.
Kapag nagsimula nang magparamdam ang IBC-13 at RPN-9, tiyak na lalong mapag-iiwanan ang ABC-5.
May suspetsa kami na baka i-pirate ni G. Garcia si Korina Sanchez at iba pang prominent personalities ng ABS-CBN.
Samantala, kung hindi na napapanood sa mga news and public affairs program ng ABS-CBN si Erwin, kabi-kabila naman ang mga programa ngayon ni Julius Babao na araw-araw napapanood sa Magandang Umaga Pilipinas at TV Patrol at sa bagong programang XXX tuwing Sabado ng gabi kasama sina Karen Davila at Henry Omaga Diaz.
Napag-alaman din namin na balak din umanong tanggalin na rin ang week-end edition ng TV Patrol World kung saan sina Henry Omaga Diaz at Bernadette Sembrano ang anchors.
Si Michael V. ay sampung taon na ring talent ng GMA.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended