Di ko nakausap ng personal si
Donita Rose sa pa-presscon ng
Genesis pero, sa kaibigan niya of long standing na si
Virgie Balatico nagbuhat ang impormasyon na nakahanda na itong mag-shoot ng kanyang international movie na pinamagatang
Seed of Contention na kung saan ay role ng kontrabida ang gagampanan niya. Tampok din sa movie sina
Matthew Settle, Lenore Varela, Pierre Ng na nakasama rin ni Donita sa
Money series sa Singapore,
Chinchin Gutierrez, KC Montero, Carla Martinez at iba pa.
Ang pelikula ay proyekto ng kanyang kaibigan at bridesmaid sa kanyang kasal na si
Anna Marie Laperal na siyang tumatayong producer, scriptwriter at direktor ng pelikula. Ang buong crew ni Anna ay naririto na sa Maynila para sa shooting.
Mapapanood bukas 7NG ang bandang
Members sa Woodstock Revisited na magaganap sa skating rink ng Burnham Park. This art & music festival is designed to unite hundreds of peoples feelings para makagawa ng isang political statement.
Nung Peb. 16 pa sa Baguio ang Members. Lumibot sila sa mga istasyon ng radyo at kinahapunan ay nag-perform sila sa SM City Mall Baguio. Ngayong Biyernes, Peb. 17, lilibot sila ng mga bar.
Ang
Members ay mga artist ng
Dyna Music at mayron na silang self-titled album na ang carrier single ay ang matagumpay na "Eddie". Binubuo ito nina
Rey Nuñez (vocals/rhythm guitar/keyboards),
Voltaire Gumban (drums),
Jan-Michael Gonzales (acoustic/electric/bass guitar at
Rod Mijares (lead guitar).
Napaka-matagumpay ng Valentine concert ni
Andy Williams na ginanap sa isang punung-punong Araneta Coliseum. Safe na safe ang feeling ko dahil andun sa palibot ng Coliseum at maging sa loob nito ang napakaraming pulis at mga naglalakihang aso. Sa labas naman, nakapalibot din ang mga ambulansya, firetracks, mobile cars. Medyo nainsulto pa ang kasamang
Letty Celi dahil akala niya ay naroron ang mga ambulansya para sa mga matatandang fans (na tulad niya) ng popular na American balladeer. Natawa pa ito nang malamang pang-emergency ito, sakaling magkaron ng gulo at aksidente.
Susunod kay Andy, ang
Hermans Hermits at ang
Sergio Mendez & the Brazil 66. Kung di namatay si
Elvis Presley, malamang nakapunta rin siya dito, kahit matanda na siya. Sayang!!!!