Tessie Agana, kabilang na sa Walk of Fame
February 16, 2006 | 12:00am
Isang masayang reunion ang naganap kamakailan lamang sa Vera Perez Gardens. Nag-host ang matriarka ng Sampaguita/VP Pictures na si Nene Vera Perez ng isang bienvenida para sa mga dating artista nila na bumisita ng bansa, si Tessie Agana, ang child star na malaki ang itinulong para maitayo muli ang Sampaguita Pictures mula sa pagkakasunog nito sa pamamagitan ng kanyang pelikulang Roberta at Blanca Gomez, isa sa mga Stars 66 na kung saan ay nagmula rin sina Rosemarie Sonora, Ricky Belmonte, Dindo Fernando, Gina Pareño, Loretta Marquez, Edgar Salcedo at Bert Leroy, Jr.
Kasama ng dalawa si Joan Page na bukod sa gumawa ng pelikula sa Sampaguita kapareha ni Oscar Moreno ay lumabas din sa isang popular na radio program, ang Edong Mapangarap starring Eddie San Jose, the tandem of Pugo and Tugo at si Sylvia La Torre. Ginawa rin itong pelikula.
Bumalik ng bansa ang foreign actress sapagkat naghahanap ito ng kopya ng pelikulang ginawa niya, ang Asawa Kong Amerikana pero, nabigo siya, wala ni isa mang kopya siyang nakita.
Mayron na naman sanang unveiling sa Abril ng mga bagong batch para sa Eastwood Walk of Fame. Kasama na rito si Tessie Agana pero, hindi na niya mahihintay ang buwan ng Abril, kailangan na niyang bumalik ng Amerika. Kaya, nag-desisyon ako na gumawa ng isang maagang unveiling para lamang sa former child star ng Sampaguita.
Masaya ako na malaman na may isang bagong programa sa QTV Channel 11 tungkol sa showbiz pero hindi tatalakay ng mga negatibong aspeto nito. Parang di ako makapaniwala na may isang showbiz program na pwedeng tangkilikin ng manonood na puro pasitibo ang nilalaman. Parang di showbiz!
Ito ang Bongga Ka Star na ang host ay si Jolina Magdangal who has maintained her wholesome image through the years. Cute ako sa kanila ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz nang mapanood ko sila sa programa ni Ricky Lo dahil parang nagkakahiyaan pa sila gayong may limang taon na ang kanilang relasyon. Pero, sabi nga ni Bebong, ang limang taon nila ay parang dalawang taon lamang dahil bihira silang magkasama. Kaya nga gusto nilang gumawa ng paraan para ma-bridge ito at makilala nila ng lubusan ang isat isa. At para rin makapagsimula na silang magplano ng kinabukasan nilang dalawa.
Binabati ko kayo, Jolens, Bebong at sana ang distansya sa pagitan nyo ay lalo lamang makapag-paalab ng inyong pagmamahalan.
Kasama ng dalawa si Joan Page na bukod sa gumawa ng pelikula sa Sampaguita kapareha ni Oscar Moreno ay lumabas din sa isang popular na radio program, ang Edong Mapangarap starring Eddie San Jose, the tandem of Pugo and Tugo at si Sylvia La Torre. Ginawa rin itong pelikula.
Bumalik ng bansa ang foreign actress sapagkat naghahanap ito ng kopya ng pelikulang ginawa niya, ang Asawa Kong Amerikana pero, nabigo siya, wala ni isa mang kopya siyang nakita.
Mayron na naman sanang unveiling sa Abril ng mga bagong batch para sa Eastwood Walk of Fame. Kasama na rito si Tessie Agana pero, hindi na niya mahihintay ang buwan ng Abril, kailangan na niyang bumalik ng Amerika. Kaya, nag-desisyon ako na gumawa ng isang maagang unveiling para lamang sa former child star ng Sampaguita.
Ito ang Bongga Ka Star na ang host ay si Jolina Magdangal who has maintained her wholesome image through the years. Cute ako sa kanila ng boyfriend niyang si Bebong Muñoz nang mapanood ko sila sa programa ni Ricky Lo dahil parang nagkakahiyaan pa sila gayong may limang taon na ang kanilang relasyon. Pero, sabi nga ni Bebong, ang limang taon nila ay parang dalawang taon lamang dahil bihira silang magkasama. Kaya nga gusto nilang gumawa ng paraan para ma-bridge ito at makilala nila ng lubusan ang isat isa. At para rin makapagsimula na silang magplano ng kinabukasan nilang dalawa.
Binabati ko kayo, Jolens, Bebong at sana ang distansya sa pagitan nyo ay lalo lamang makapag-paalab ng inyong pagmamahalan.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended