Sina Uma Khouny at Cassandra Ponti ang bida sa Blusang Itim ng Komiks na nakakuha ng 27% samantalang ang Pinoy Pop Superstar ni Regine Velasquez ay nakakuha naman ng 25% at 18% naman ang kay Dindong Dantes.
Ayaw naming isiping nagsawa na ang viewers sa linggu-linggong katatakutan at sawa na rin marahil kina Songbird, Jaya, Danny Tan at Floy Quintos o sa cleavage ni Regine?
Anyway, abangan uli ito kung mapapangatluhan uli ito sa susunod na Sabado.
Hindi alam ng iba na may consequences din kapag na-feature ka sa male magazine dahil malaking epekto ito sa endorsements.
Ayon mismo sa staff ng ABS-CBN na nakakuwentuhan namin ay marami raw silang talents na nire-request ng leading male mag para mag-pose sa kanila.
"Pinaparating namin sa artista na interesado sa kanila ang nasabing mag at the same time pinapaliwanagan din namin ang kapalit nito na hindi na sila kukuning endorser ng isang produkto kapag nag-pose sila kasi ayaw ng kliyente.
"Minsan kasi, itong mga kliyente namin, nakikiusap na kung maari ay huwag namin payagan ang mga artista naming ma-feature sa mga male mags kasi nga hindi nila kukunin. Marami ang pinahihinog pa or may pinapatapos pang kontrata," esplika sa amin.
Biglang pumasok sa isipan namin si Shaina Magdayao na recently ay nagpahayag sa aming type ring niyang maging cover ng isang male magazine pero nagkaproblema dahil kaliwat kanan ngayon ang endorsements at ang latest ay ang isang toothpaste product kasama ang talent ng Siete na si JayR.
Di kaya biglang maglaho ang mga ito kapag nakita na ang bunsong Magdayao sa babasahing pang-lalaki?
"Actually, na-explain na namin yan kina Mommy Deanne Magdayao na may ganun agreement at um-okey naman sila na hindi nila papayagan si Shaina dahil kung mangyayari yun, maraming mawawala," kuwento pa niya.
Ito ang narinig naming pinag-uusapan ng kampo ni Manny during the presscon ng Pacquiao na ginanap sa Crowne Plaza Hotel last Sunday.
Pero desidido naman si Mommy Rose Flaminiano ng FLT Films na isama ang babaet anak dahil parte raw iyon ng buhay ng tinaguriang Pambansang Kamao ng Pilipinas at gayun din si Direk Joel Lamangan dahil ang katwiran niya "Kapag ang tao, may pagkakamali, may pagsisisi so dapat kasama lahat yun."
At say naman ng gagawa ng script na si Roy Iglesias, "Dahil filmbio ito, dapat lang na mag-stick tayo sa truth. Reggee Bonoan