Nag-audition si Marvin at magri-reading na sana, kaya lang, natagalan at hindi nito nahintay dahil may previous appointment. Umalis si Marvin at kumalat ang tsikang hindi ito makapaghintay at nag-inarte. The next thing Marvin knew, si Ryan na ang napiling maging leading man ni Sarah.Para hindi ma-disappoint, inisip na lang ni Marvin na hindi para sa kanya ang project.
Hindi rin naman siya nababakante and in fact, nagsimula na siyang mag-shooting ng pelikulang Wag Kang Lilingon at marami pang darating na project.Unfair ito kay Ryan pero, may nag-aabang na sa BWN para makita kung kaya niya ang natokang role. Pero, tiyak na ikukumpara siya kay Marvin sa ayaw at gusto niya.
Tinanong pala namin si Direk Mac kung tama ang ibinalita sa aming kasama sa cast si Rainier Castillo. "Oo yata," ang di siguradong sagot ng director. Inisip naming magkaka-problema dahil nasa Etheria ang young actor at malabong sa dalawang fantaserye ng Siete siya kasama.
Hanggang malaman naming hanggang this week na lang ang Etheria at magbabalik na ang Encantadia kung saan, hindi makikita ang mukha ni Nakba (role ni Rainier) dahil isinumpa sila ni Banak. Inaalam namin ang role ni Rainier sa Majika at dahil kasama sa cast si Ryza Cenon, hindi kayay pagtambalin silang dalawa?
Nalaman namin sa mommy nitong si Baby Pacia na kaya sila nasa studio dahil may interview si Benj kay Sunshine Dizon para sa Fans Kita ng QTV 11. Pero, hindi nito itinangging nag-date ang anak at si Iwa.
Niyaya pala namin ang mga kaibigang reporter na interbyuhin ang six survivors ng SS pero, ayaw nila. Hindi rin nila feel ang katarayan ng mga ito.
Incidentally, The Viewers Week ang tawag sa Week 12 ng SS3. This Monday, ipapakita ang reaction ng fans sa mall tours ng survivors. Bukas, may dance showdown sila with Sexbomb at Streetboys at pipiliin ang best dancers sa kanila.
Sa drama flick sa Wednesday, pipiliin ang best actors at sa Thursday, sa musical showdown, makikita kung sino ang best singer sa kanila. Sa Friday, babalikan ang intriga and hopefully, mabaon na sila sa limot para makapag-move on ang mga bata.
Sa interview naman kay Joy Cancio, nabuking na ayaw ni Rochelle kay Kier. Maniniwala kaya kami rito?