^

PSN Showbiz

Ryan, second choice kay Marvin

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Magsisimula na sa February 28 ang taping ng Bituing Walang Ningning ng ABS-CBN. Kompleto na ang cast nito mula kina Sarah Geronimo, Angelika dela Cruz, Aiai delas Alas, Zsa Zsa Padilla at Ryan Agoncillo. Ang TV host-actor ang gaganap na record executive na ginampanan ni Christopher de Leon sa pelikula.But how true na kay Marvin Agustin unang in-offer ang role na napunta kay Ryan?

Nag-audition si Marvin at magri-reading na sana, kaya lang, natagalan at hindi nito nahintay dahil may previous appointment. Umalis si Marvin at kumalat ang tsikang hindi ito makapaghintay at nag-inarte. The next thing Marvin knew, si Ryan na ang napiling maging leading man ni Sarah.Para hindi ma-disappoint, inisip na lang ni Marvin na hindi para sa kanya ang project.

Hindi rin naman siya nababakante and in fact, nagsimula na siyang mag-shooting ng pelikulang ‘Wag Kang Lilingon at marami pang darating na project.Unfair ito kay Ryan pero, may nag-aabang na sa BWN para makita kung kaya niya ang natokang role. Pero, tiyak na ikukumpara siya kay Marvin sa ayaw at gusto niya.
* * *
This week na ang start ng taping ng Majika ng GMA-7. Sina Mac Alejandre at Eric Quizon ang magtutulong sa pagdidirek nito. Kung walang magiging problema, sa March 13, na ang scheduled airing nito.

Tinanong pala namin si Direk Mac kung tama ang ibinalita sa aming kasama sa cast si Rainier Castillo. "Oo yata," ang ‘di siguradong sagot ng director. Inisip naming magkaka-problema dahil nasa Etheria ang young actor at malabong sa dalawang fantaserye ng Siete siya kasama.

Hanggang malaman naming hanggang this week na lang ang Etheria at magbabalik na ang Encantadia kung saan, hindi makikita ang mukha ni Nakba (role ni Rainier) dahil isinumpa sila ni Banak. Inaalam namin ang role ni Rainier sa Majika at dahil kasama sa cast si Ryza Cenon, hindi kaya’y pagtambalin silang dalawa?
* * *
Nakita namin ang StarStruck 3 Survivors sa GMA-7 studio last week at tila may pupuntahan. Malapit sa puwesto ng anim ay nakatayo si Benj Pacia at inisip namin na baka binabantayan nito si Iwa Moto na nali-link sa kanya.

Nalaman namin sa mommy nitong si Baby Pacia na kaya sila nasa studio dahil may interview si Benj kay Sunshine Dizon para sa Fans Kita ng QTV 11. Pero, hindi nito itinangging nag-date ang anak at si Iwa.

Niyaya pala namin ang mga kaibigang reporter na interbyuhin ang six survivors ng SS pero, ayaw nila. Hindi rin nila feel ang katarayan ng mga ito.

Incidentally, The Viewers Week ang tawag sa Week 12 ng SS3. This Monday, ipapakita ang reaction ng fans sa mall tours ng survivors. Bukas, may dance showdown sila with Sexbomb at Streetboys at pipiliin ang best dancers sa kanila.

Sa drama flick sa Wednesday, pipiliin ang best actors at sa Thursday, sa musical showdown, makikita kung sino ang best singer sa kanila. Sa Friday, babalikan ang intriga and hopefully, mabaon na sila sa limot para makapag-move on ang mga bata.
* * *
Kundi pa sinabi ni Joey de Leon na mainit ang ulo niya habang ini-interview sina Rochelle Pangilinan at Sunshine Garcia sa Startalk last Saturday, hindi pa sasagutin ng maayos ng dalawa ang isyung pag-aagawan nila kay Kier Legaspi. As a viewer, nairita kami sa pagpapa-cute at hindi nila pagseseryoso sa mga tanong ni Joey. Kung saan-saan nila dinadala ang topic at tawanan nang tawanan. Hindi ba nakakairita, lalo’t hindi na sila mga bagets? Mabuti na lang at nagalit si Joey at nasagot din ang dapat malaman ng tao.

Sa interview naman kay Joy Cancio, nabuking na ayaw ni Rochelle kay Kier. Maniniwala kaya kami rito?

vuukle comment

BABY PACIA

BENJ PACIA

BITUING WALANG NINGNING

DIREK MAC

ERIC QUIZON

KAY

MARVIN

RYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with