Marami nang intrigang pinalampas si Joey. Pero this time, napuno na siya dahil na rin sa pag-aalala sa kanyang anak na nagsasabi na ipagtanggol nito ang kanyang sarili.
Nagsimula ang lahat sa kumalat na text na hinahamon naman ni Joey na lumantad at patunayan kung talagang may sinabi siyang masama matapos maganap ang trahedya sa ULTRA halos 10 araw na ang nakakaraan.
Agad na nilinaw ni Martin na totoong may problema sila ni Aiko, pero tuloy naman daw ang kanilang kasal.
Sunud-sunod ang intriga sayang at itinuturing nating Buwan ng mga Puso ngayong Pebrero. Sana naman, iwasan ng mga walang magawa sa buhay na mag-imbento pa ng kung anu-ano na siyang nakakasira o makakaapekto sa ibang tao.
Maging sila Richard at Angel ay nag-enjoy na sa shooting pa lang ng movie. Kung kaya nagkaroon ng magandang chemistry ang kanilang tambalan na ramdam na ramdam sa pelikula.
Timing din ang movie dahil Valentines Day na bukas.
Marami tuloy ngayong mga fans ang nagtatanong kung muli silang magsasama sa telebisyon. Pero siyempre, depende ito sa desisyon ng management lalo nat matatapos na ang Sugo ni Richard.
Abangan natin kung pakikinggan ng GMA-7 ang hiling ng kanilang fans na muli silang magsama sa telebisyon.
Kumita ang pelikulang ito kung kaya nagpatuloy ang Sampaguita Pictures na mag-produce pa ng maraming movie ng mga panahon na iyon.
Nagbabakasyon lang si Tessie ng ilang linggo sa bansa. Habang nandito siya ay sasamantalahin nating makasama siya sa Walk of Fame ngayong Lunes.
Malaki ang naging kontribusyon ni Tessie sa movie industriya nung kanyang kapanahunan. Silang dalawa ni Boy Alano ang magkasama sa idadagdag natin sa Walk of Fame ngayong araw. Sina Tessie at Boy ay kasama sa matagumpay na pelikulang Roberta.
Inaanyayahan ko rin kayong lahat na pumunta ngayong araw sa Libis upang saksihan ang paglalagay ng karagdagang pangalan sa Walk of Fame .