Susan, ipinagpapatuloy ang suporta ni FPJ kay Lovi Poe!
February 12, 2006 | 12:00am
Super turned-off ang ilang estudyanteng dumalaw sa mga show ng GMA 7 last Wednesday na isa sa requirement sa kanilang school dahil nadaanan nila si Mark Herras sa Gazebo na malakas manigarilyo.
Say mismo ng kakilala naming kolehiyala, "Allowed po ba silang manigarilyo sa compound ng GMA? Okey naman po, kaya lang malakas pala siyang mag-yosi. Siyempre para sa amin, gusto namin perfect guy, e, hindi po maganda yung nakita namin kay Mark."
Maski pala wala na si Mr. Fernando Poe, Jr ay tuluy-tuloy pa rin ang komunikasyon ng anak niyang si Lovi Poe sa naulila niyang si Susan Roces at sa anak nilang si Mary Grace Poe.
Ito ang kwento ni Lovi nang maka-kwentuhan namin kamakailan dahil every week o twice a month ay nagkikita sila sa puntod ng kanyang ama.
Nalaman din namin na tuluy-tuloy pa rin pala ang financial support na natatanggap niya at si Ms. Susan pa raw ang nag-aasikaso nito.
"Wala naman pong nabago, maski nung buhay pa po ang father ko up to now, diretso naman po at ipinadadala po yun thru the bank. Thankful nga po ako kina tita Susan kasi supportive siya sa akin," malumanay na kwento ni Lovi.
At ngayong tuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa music industry as a singer ay binigyan siya ng payo ng tita Swanie niya, "Dapat daw po matibay ako sa intriga dahil ganito raw po talaga sa showbiz, huwag daw akong gi-give-up dahil maraming pagsubok, huwag ko raw pansinin ang mga isyu kung hindi totoo," paliwanag pa ng bagets.
Kaya nakakapagtaka kung saan at sino ang nagpasimulang hindi gusto ni Susan si Lovi gayung sinusuportahan pala niya ito?
Anyway, sa nakaraang 17th birthday ni Lovi kahapon, February 11 ay wala siyang party dahil natapat na Junior-Senior Prom niya sa Westin Philippine Plaza at wala rin daw siyang escort dahil wala siyang special someone.
Ang pinagka-abalahan din ni Lovi ay ang nalalapit na launching ng debut album niya under Sony-BMG na may titulong "Best of My Heart" kayat hindi rin totoong papasukin niya ang pelikula.
Pero ang type niyang leading man if ever ay si Geoff Eigenmann or Jericho Rosales na pareho niyang crush sa showbiz. REGGEE BONOAN
Say mismo ng kakilala naming kolehiyala, "Allowed po ba silang manigarilyo sa compound ng GMA? Okey naman po, kaya lang malakas pala siyang mag-yosi. Siyempre para sa amin, gusto namin perfect guy, e, hindi po maganda yung nakita namin kay Mark."
Ito ang kwento ni Lovi nang maka-kwentuhan namin kamakailan dahil every week o twice a month ay nagkikita sila sa puntod ng kanyang ama.
Nalaman din namin na tuluy-tuloy pa rin pala ang financial support na natatanggap niya at si Ms. Susan pa raw ang nag-aasikaso nito.
"Wala naman pong nabago, maski nung buhay pa po ang father ko up to now, diretso naman po at ipinadadala po yun thru the bank. Thankful nga po ako kina tita Susan kasi supportive siya sa akin," malumanay na kwento ni Lovi.
At ngayong tuluy-tuloy na ang pagpasok niya sa music industry as a singer ay binigyan siya ng payo ng tita Swanie niya, "Dapat daw po matibay ako sa intriga dahil ganito raw po talaga sa showbiz, huwag daw akong gi-give-up dahil maraming pagsubok, huwag ko raw pansinin ang mga isyu kung hindi totoo," paliwanag pa ng bagets.
Kaya nakakapagtaka kung saan at sino ang nagpasimulang hindi gusto ni Susan si Lovi gayung sinusuportahan pala niya ito?
Anyway, sa nakaraang 17th birthday ni Lovi kahapon, February 11 ay wala siyang party dahil natapat na Junior-Senior Prom niya sa Westin Philippine Plaza at wala rin daw siyang escort dahil wala siyang special someone.
Ang pinagka-abalahan din ni Lovi ay ang nalalapit na launching ng debut album niya under Sony-BMG na may titulong "Best of My Heart" kayat hindi rin totoong papasukin niya ang pelikula.
Pero ang type niyang leading man if ever ay si Geoff Eigenmann or Jericho Rosales na pareho niyang crush sa showbiz. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am