Jang Geum, hinihiling na makita ng mga Pinoy

Iniinggit namin ang editor naming si Vero Samio na hindi nakarating sa album launching ng "Mga Awit-Pelikula ni Christopher de Leon." Pareho naming favorite ang actor at parang mortal sin kung absent ka sa importanteng okasyon nito. Ang deadline ng diyaryong ito ang nakapigil sa editor naming makapunta sa Podium.

Maganda ang songs sa 12-track album na ang "Bituing Walang Ningning" ang carrier single. Isa rin ito sa anim na kantang kanyang kinanta ng live sa harap ng maraming tao. Sa husay ni Boyet, isinadyest ni Ces Evangelista kay Ms. Wilma Galvante ng GMA-7 na kuning guest singer ang actor sa Bb. Pilipinas Beauty Pageant at siyang haharana sa mga candidates. Mukhang okay kay Ms. Wilma ang suggestion.

Wish ni Boyet na masundan ang kanyang album dahil nag-enjoy siya sa recording nito kahit, nenerbyos siya sa launching. Three albums ang pinirmahan niya sa Viva Records kaya, tiyak na masusundan ang debut album niya. In fact, nagsisimula na si Baby Gil na mamili ng songs na isasama sa Volume 2 ng "Mga Awit-Pelikula."

May mall tour si Boyet to promote his album, hintayin n’yo siya sa SM Southmall sa February 19, SM Sucat Feb. 25, SM Bicutan sa Feb. 26 at SM San Lazaro sa March 5.
* * *
Inaalam ni Malou Choa-Fagar kung sino ang lady reporter na pasimuno raw sa text message na nag-akusa kay Joey de Leon na may sinabing masama sa ABS-CBN at sa Ultra stampede. Paulit-ulit ang pagtatanong ni Malou pero, walang nagsabi sa kanya kung sino ang kanyang hinahanap.

By now, knows na for sure ni Malou ang identity ng lady reporter na source ng text message. Pero, nai-forward lang daw sa reporter ang text message na kanya namang ipinorward sa mga kaibigang reporter.
* * *
Hindi lang ang shoot ng kanyang TV Special sa RCTI Indonesia ang ipinunta ni Christian Bautista sa nasabing Asian country. Nag-shoot din siya ng two music videos for his "Completely" album.

Sinulat ng Indonesian composers ang mga kantang "Since I Found You" at "For Everything I Am." Ang director ng music videos ay ang famous Indonesian film director na si Agung. Siya lang naman ang director ng "She’s Out of My Life" music video ni Josh Groban.

Big production ang shooting ng music videos with 60 people involved sa productions. Ang setting ay sa isang brand-new house worth $600,000 sa Kabarubyan Village. Siguro naman, ipapalabas sa MYX ang music videos at mapapanood natin kung gaano ito kaganda.
* * *
Ipinarating namin sa GMA-7 ang request ng viewers ng Jewel In The Palace na papuntahin dito kahit ang major cast lang ng K-novela. Kaya lang, mukhang walang plano ang network kaya, doon sa mga nagpi-petition, sipagan n’yo pa at doblehin ang pagkalampag sa network.

Pero, may posibilidad pa ring makita ng sumusubaybay sa JITP si Jang Geum (Lee Young Ae pag natuloy ang balak na papuntahin dito ang cast ng Silence. Bida ng Chinovela sina Vic Zhou at Lee Young Ae at ibig sabihin, ang Ch. 7 ang nakabili ng rights nito. Hindi lang namin naitanong kay Joey Abacan kung kailan naka-schedule ang airing ng Chinovela.

Siyempre, iba pa rin kung ang makakasama ni Lee Young Ae ay sina Ji Jin Hi as Min Jung Ho, ang guwapong kapitan; Hong Ri Na as Choi Geum Yong, karibal ni Jang Geum sa kusina at sa kapitan; at si Yan Mi Kyung as Lady Han.

Nanonood din nito ang editor namin na tumanggi sa suggestion naming bumili siya ng DVD para hindi na siya maghirap sa pagsubaybay nito. Mas gusto raw niyang sa Tagalog ito mapanood pero, nang marinig ang ikinuwento naming spoiler, parang nagbago na ang isip. Na-curious ito sa itatakbo ng lovelife ni Jang Geum. Ha-ha-ha!

Show comments