Si Gilbert ay pitong taong naging kasintahan ni Candy bago sila nagpakasal. Dalawang taon lamang ang itinagal ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa. Hindi ikinakaila ni Candy na talagang naapektuhan siya ng husto sa pag-iwan sa kanilang mag-ina ng kanyang dating mister. Sumailalim pa umano siya sa psychiatric treatment at spiritual counseling para tuluyan niyang ma-overcome ang depression. Pero ang lahat naman ng bagay ay pinaghihilom ng panahon. Naka-recover na si Candy.
Sa darating na Pebrero 15, sa ganap na ika-8 ng gabi ay isang kakaibang stand-up act ang matutunghayan sa Music Museum sa pamamagitan ng Candys Be Love kung saan magiging ispesyal na panauhin niya sina Piolo Pascual, Troy Montero at ang baguhang si William Devaughn kasama ang Las Piñas Boys Choir at CCP Pep Squad.
Dahil sarado na ang kanyang Comfort Room bar at iba pang itinayong negosyo, nagbukas naman si Candy ng isang event company sa tulong ng kanyang mga kasamahan sa teatro. Ito ay ang Open House, Inc.
Bukod sa TV guestings, may tinapos ding pelikula si Candy sa Star Cinema, ang I Love You, Lucky na pinagbibidahan ng magkasintahang Sandara Park at Joseph Bitangcol.
Ang ipinagtataka ng marami ay kung bakit ngayon lamang umano lumantad si Joanna?
Sa paglantad ni Joanna, tiyak na mas lalong magiging colorful ang paglalahad ng buhay ni Manny sa pelikulang isasapelikula ng FLT Films at Star Cinema.