First time na may pa-presscon ang
ABS CBN pero, wala ni isa mang artista ng
Close To You ang dumating.
Wala namang intensyon sina
John Lloyd Cruz, Bea Alonzo at
Sam Milby at maging ang director ng pelikula nilang si
Cathy Garcia Molina na isnabin ang press pero, talagang di sila nakarating from Singapore na kung saan ay tinatapos nila ang shooting ng
Close To You na may playdate sa Pebrero 15.
Sa tulong ng makabagong teknolohiya at sa sipag ng mga manggagawang Pinoy, matatapos ang pelikula na kinasasabikan na ng mga followers nina Lloydie at Bea dahil unang movie ito ng dalawa na kung saan ay may relasyon na sila at lalo na ni Sam na first time mapapanood sa movie.
Kasama rin sa movie sina
Melanie Marquez, Buboy Garrovillo, Nova Villa at ang mga
Close Up million peso winners na sina
Carinne Cabebe at
Reyson Yap. Tingnan mo nga naman at kasabay ng paglalabas ng
Nescafe Classic First Pick, isang limited edition soluble coffe ay ang pagpapalabas ng isang modernong zarzuela na parang
Moulin Rouge. Dito makikita ang mga artista na kumakanta ng mga awiting tulad ng "Ligaya" ng
Eraserheads, "Sana Ay Ikaw Na Nga", "Ikaw Ang Tunay Na Ligaya", "Ewan" ng
APO na nakasuot ng tradisyonal na kasuotang Pilipino.
Si
Calvin Millado ang narrator at host, sina
Joel Trinidad, Ivy Maniquiz ang magsing-irog na sina Pablo at Ligaya na hindi masabi sa isat isa ang kanilan
g nararamdaman. Makakasama na sa konsyerto nina
Gary Valenciano at
Zsazsa Padilla na
Faces of Love 2 na mapapanood sa Peb. 18-19 sa NBC Tent, Global City ang mga anak nilang sina
Paolo Valenciano at
Karylle. Dapat lamang naman na masali ang dalawa sa konsyerto para come-on sa mga kabataan na ngayon pa lamang ay namimili na kung ano ang panonoorin nila ngayong buwan ng Pebrero. Hindi na ipagtatanong ang kagalingan ni Paolo sa pagkanta sa ilang ulit nitong pagkakasali sa ilang musical plays. Ganundin si Karylle na di lang naman ang kagandahan ng ina ang namana kundi maging ang galing nito sa pagkanta.