Isa sa mga nanood ng musical play na ginanap last week sa Meralco Theater ay si Rico J. Puno na humanga ng husto kay Marco sa pinagsamang pag-awit at pagganap na ginawa nito.
"Maraming portion na nakakaiyak ang mga eksena at may nakita akong guest na pinipigil ang pagtulo ng kanyang luha. Mahahaba at makabuluhan ang mga lyrics ng kanta at purong Tagalog. Nakasentro kay Marco ang istorya kayat halos every scene ay kasama siya.
"Hindi ko pagtatakhan kung maging nominado si Marco bilang best male performer in a musical sa darating na music awards. Talagang kinarir ni Marco ang dula," pahayag ni Rico.
Bago ang laban, lumuhod si Manny at taimtim na nagdasal. Agad siyang nagpamisa sa tinutuluyan niyang apartment matapos manalo bilang pasasalamat. Iisa ang naging pangaral ng kanyang ina. Na bago pasalamatan ang lahat ng taong sumuporta sa kanya, unahin niya muna ang nasa Itaas.
Tiyak na bebenta ng husto ang plaka ni Manny na "Para Sa Iyo" sanhi ng kanyang pagkakapanalo. Paulit-ulit itong ipinarinig during the commercial break. Simple at maganda ang kanta. Sadyang pinag-aralan kung paano ito aangkop sa boses at pagkatao ni Manny. At sinadyang sa oras ng laban kay Morales, todo itong ipinromote. RMEY UMEREZ