^

PSN Showbiz

Marco Sison, nagpakitang-gilas sa isang stage play

-
Sa gala premiere ng Pag-ibig sa Bayan ay umani ng papuri si Marco Sison who played the character of Senator Aquilino Pimentel sa kanyang pagsasalarawan ng mga karanasan niya at ng kanyang pamilya noong panahon ng Martial Law. Labas-masok siya sa piitan at sa pamamagitan ng mga awiting nilikha ng kanyang asawang si Lourdes o Bing Pimentel ay naipadama ang matinding pangungulila at sakripisyo ng mag-anak na Pimentel.

Isa sa mga nanood ng musical play na ginanap last week sa Meralco Theater ay si Rico J. Puno na humanga ng husto kay Marco sa pinagsamang pag-awit at pagganap na ginawa nito.

"Maraming portion na nakakaiyak ang mga eksena at may nakita akong guest na pinipigil ang pagtulo ng kanyang luha. Mahahaba at makabuluhan ang mga lyrics ng kanta at purong Tagalog. Nakasentro kay Marco ang istorya kaya’t halos every scene ay kasama siya.

"Hindi ko pagtatakhan kung maging nominado si Marco bilang best male performer in a musical sa darating na music awards. Talagang kinarir ni Marco ang dula," pahayag ni Rico.
* * *
Nagdiriwang ang buong bansa sa malaking karangalang idinulot ni Manny Pacquiao sa pagkakapanalo niya sa boxing bout nila ni Erik Morales sa Las Vegas. Pansamantalang natigil ang mga iringan sa pulitika sa pagtutok sa kahihinatnan ng laban ng dalawang sikat na boksingero. Ang laban ay itinuturing na isa sa pinakamatindi sa kasaysayan ng boksing.

Bago ang laban, lumuhod si Manny at taimtim na nagdasal. Agad siyang nagpamisa sa tinutuluyan niyang apartment matapos manalo bilang pasasalamat. Iisa ang naging pangaral ng kanyang ina. Na bago pasalamatan ang lahat ng taong sumuporta sa kanya, unahin niya muna ang nasa Itaas.

Tiyak na bebenta ng husto ang plaka ni Manny na "Para Sa Iyo" sanhi ng kanyang pagkakapanalo. Paulit-ulit itong ipinarinig during the commercial break. Simple at maganda ang kanta. Sadyang pinag-aralan kung paano ito aangkop sa boses at pagkatao ni Manny. At sinadyang sa oras ng laban kay Morales, todo itong ipinromote. — RMEY UMEREZ

BING PIMENTEL

ERIK MORALES

LAS VEGAS

MARCO SISON

MARTIAL LAW

MERALCO THEATER

PARA SA IYO

RICO J

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with