Katatanggap lang niya ng award bilang "Most Popular Song by a Female Recording Artist" na bigay ng IFM Pinoy Music Awards mula sa album at kanta nitong "What I Do Best."
"Making music is what I do best. Masaya ako pag kumakanta ako and I cannot imagine myself doing anything than singing. Wala na ata akong mahihiling pa," sabi ni Sheryn.
Pero handa na ba siyang mag-concert sa Araneta tulad ng binabalak ng mag-asawang Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na handa siyang i-produce ng concert sa nasabing venue?
"Araneta? Sino ba ang hindi nangangarap mag-concert sa Big Dome? Hopefully bago magtapos ang taon, pero kung hindi pa, okay lang. Darating din naman yan," paliwanag nito.
Siya ang sidekick ni Richard Gutierrez sa Sugo na magulo ang buhok at may mahabang balbas sa baba.
Una siyang nabigyan ng break sa Idol Ko Si Kap. Isa siya sa mga crowd, pero pansinin yung kanyang looks lalo na pag kinakantahan niya si Rufa Mae Quinto sa programang Idol Ko Si Kap.
Pero wala na akong choice na kausapin siya nang minsang ma-interview ko ito ng harapan (joke! joke!!) para sa album ng kanilang banda na Rocksteddy.
"Hindi naman kasi talaga ako masuklaying tao. But I love the way I look and I feel good. Bale wala naman ang outside look dahil yung kabutihan pa rin ng kalooban ang mahalaga," sabi nito na hindi pa naman daw siya naba-basted ng kanyang nililigawan.
Tapos ng Computer Science sa AMA si Teddy. Nag-audition ito sa GMA-7 nang mapanood niya sa TV na nangangailangan ang istasyon ng mga bagong komedyante. Pero pag, dating niya sa audition nagkamali lang daw ng pagpa-plug dahil mga writers pala ang hinahanap ng network. Ganun pa man ay kinuha pa rin siya sa Idol Ko Si Kap. Pero sa totoo lang, natural ang pagiging komedyante ni Teddy. Katunayan he made my day sa mga patawa nito during the interview. Bukod pa sa may mga sense ang pinagsasabi niya na malayo sa image niyang parang magulo ang isip dahil kulang yata sa ligo.
More than the looks, isang talented na tao si Pikoy na bokalista ng bandang Rocksteddy at siyang sumulat ng 10 kanta sa kanilang album. Sila ang boses ng kantang "Lagi Mo Na Lang Akong Dinededma" mula sa album nilang "Tsubtsatagilidakeyn" na under 12 Stone Records at ipinamamahagi ng Sony BMG Music Entertainment.
Ang Rockysteddy ay tinatampukan nila Teddy Corpuz, (vocalist), Christian Sandico (bass), Jowi Ramos (guitarist/back-up vocals) Juven Pelingon (lead guitar) at Jeff Cucullo (drums).