Kasama sa mga na-composed niya ang "Pamela-mela One," "Totoy Bibo," "Don Romantico," "Kikay" ng Hotbabes among others.
Aside from pagiging composer, producer din siya ng mga album sa Star Records. Siya rin ang producer ng soundtrack ng lahat ng pelikula ng Star Cinema like Jologs, Trip, Got To Believe, Tanging Yaman, Anak, and latest ang Dont Give Up On Us starring Judy Ann Santos and Piolo Pascual among others.
Maging ang mga theme song sa teleserye ng ABS-CBN ay siya ang producer like Gulong ng Palad. Siya rin ang nag-composed ng jingle/theme song ng the defunct na Magandang Tanghali Bayan, At Home Ka Rito at ito ngang Komiks na nagsisimula pa lang ipalabas at ang malapit nang mapanood na Puppy.
By the way, double platinum na ang second album ni Vhong, ang "Don Romantico" na theme song ng D Anothers starring Vhong and Toni Gonzaga.
At ngayon nga ay pini-prepare niya ang first album ni Toni sa Star Records. Wala pa siyang masyadong details about the album. Pero kasama sa naka-line up ang revival ng "Kapag Tumibok ang Puso" na originally sung by Donna Cruz. Pero may original composition siya sa album, ang "We Belong."
Year 1999 nang mag-start as album producer si Christian sa Star Records.
Naging third placer din siya sa Levi Celerio Song Writing Contest (year 2000) - "Hopeless Romantic" ang entry niya.
Bago napunta sa Star Records si Christian, nagtayo siya ng recording company, Magic Music. Two years din nag-operate ang nasabing recording company.
Kasama sa maraming concert ang first Valentine concert together ng R&B Prince and Princess na sina JayR and Kyla on February 10 & 11 sa Aliw Theater, ang Heartsongs. Ang GMA 7 ang producer ng concert.
Sa presscon pa lang nila, marami nang nag-enjoy sa duet nila. Perfect kasi ang blending ng boses ng dalawa. Perfect din sana ang height nila, pero sad to say, in real life hindi na sila puwede dahil si Kyla ay very much committed sa basketball player na si Rich Alvarez and same with JayR na six years nang ka-on si Liza Calope na based sa Amerika.
Pero admitted si JayR na 100% type niya si Kyla kaya lang hindi na talaga sila puwede. "Shes very humble and my parents love her," said JayR. "Shes a wonderful person," added JayR.
Sa part naman ni Kyla, "Likeable siya in person, very sweet. Saka siya talaga ang gusto kong ka-duet," say naman ni Kyla kay JayR.
Pero kahit may mutual admiration sila, hindi na puwede for obvious reason.
Si Kyla very much open sa kanyang lovelife nagi-spark ang eyes niya everytime na nababanggit ang pangalan ng cager na si Rich. Si JayR naman, kung dati nagdi-deny siya about Liza, admitted siya na panahon na para i-open sa public ang relasyon nila. Actually, medyo nahirapan daw ang girlfriend niyang mag-adjust lalo na nang time na may mga nali-link sa kanya. Sobrang nagseselos daw. Pero now, adjusted na ito at wala ng selos. Natatawa na lang ito according to JayR.
Anyway, first time na nag-produce ng GMA ng concert. Although before naman nakiki-co-produce na sila.
Si Louie Ignacio ang magdi-direk ng show with Rommel Gacho as TV director and Tats Faustino as musical director.
Tickets for Heartsongs ay available sa lahat ng SM-Ticketnet outlets and Araneta Coliseum ticket booth.
Isa pang exciting show na dapat panoorin on Valentines Day, post Valentine show actually, ang A Totally Bamboo Affair on February 17, Friday sa Music Museum, of course ng grupong Bamboo.
Me too ay excited sa concert ng rock group na magiging last show nila before ang kanilang US concert tour. Kaya nga, nag-uunahan ang maraming fans sa pagbili ng ticket.
In fact, hindi pa man dumarating ang concert date, may mga nagdi-demand na kung puwedeng i-extend pa ng two to three days. Pero nag-decline ang producer na Made4U dahil ang plano nila ay i-taped na lang ito at nang mas maraming makapanood sa TV. "Hindi ito ordinaryong concert," sabi ng produ na si Mon Doratan. Marami raw bago rito na hindi pa nagagawa sa ibang concert sa lighting and sounds.
Sa nasabing concert, ipakikilala rin ang bandan Deceased, a not really new band sa music scene. Pero ngayon sila formally mai-introduce.
So may pre and post Valentines show na kayong puwedeng panoorin.
Akala ko ba nakipag-reconcile si Carlo kay Angelica Panganiban?
At si Carlo di ba ang dahilan kaya nag-away noon ang magkaibigang young actress?
So giyera na naman ito between Angelica and Camille.