Sabi ng message ni Maja: "Three months yuck!" No explanation needed kung ano ang gusto niyang tukuyin.
Sinabi namin kay Chit na ayaw mag-retract ng source namin sa itsinikang three months na ang relasyon ng dalawa bago nabuking. Pero, ayaw pa ring maniwala ng manager ni Maja kahit may binanggit kaming date kung kailan nagsimula ang relasyon ng dalawa.
Hindi pa namin nakukuha ang reaction ni John sa pagdi-deny ni Maja. Matatagalan bago siya makapag-comment dahil nasa Bahay ni Kuya na siya sa Pinoy Big Brother Celebrity Edition.
Pero, may three Fil-Ams naman daw sa semis at sila ang aabangan natin pare-pareho kung makakapasok sa finals. Hindi namin nakuha ang names ng tatlong Fil-Ams pero, pumupusta kaming makikilala rin natin kung sino sila.
Magaling na singer si Carol and she has a perfect diction. Saan kaya siya nagkulang o nagkamali?
Ang ilan pang maiiwan ay sina Francine Prieto, Jopay Paguia, Pauleen Luna at Alessandra de Rossi. Ayaw pang ipaalam ang mga matsutsugit baka hindi pa alam ng kinauukulan at ma-disappoint silat tamarin nang mag-taping.
Non-performers daw ang karamihan sa maaalis. As in, disappointing sila sa acting department. May iba namang special participation lang at kailangan nang tanggalin.
Hindi pa pala namin naitatanong sa manager ni Sid kung nakabili na ito ng bagong kotse. Matagal na raw nag-iipon ang binata for a new car dahil ang ginagamit niyang sasakyan ay 10-year-old na.
Madadagdagan ang nalalaman ni Weng sa magagandang episodes gaya ngayong Martes na pinamagatang Ngiti Ng Puso Ni Nanay. With guests Pilar Pilapil, Perla Adea and Pinky Marquez.
Ipapakita nilang hindi hadlang ang pagiging maliit para magkaroon ng normal life.
Former sexy stars na ina na ngayon ang bisita sa Thursday episode entitled Mommy Na Po Sila. Ikukuwento nina Via Veloso, Katrina Paula, Amelia Jones at Aya Medel ang naramdaman nilang kasiyahan sa pagiging ina kapalit ng kanilang careers.