Jennylyn, nagba-badminton para matanggal ang bilbil

Ang sweet nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo nang manood ng concert ng MYMP sa Araneta Coliseum last Saturday. Dahil may nakaupo sa isang upuan na naka-assign sa kanila’y kinandong muna ni Ryan ang girlfriend. May kinilig at mayroong hindi nagkagusto sa nakitang eksena ng dalawa.

Buong gabi’y nagbubulungan ang dalawa at minsan, nakahilig pa si Judy Ann sa balikat ng boyfriend. Dedma rin sila sa mga katabing nakatingin sa kanila’t hindi rin nagbibitaw ng pagho-holding hands.

Hindi na tinapos ng mag-dyowa ang concert dahil sigurado silang pagkakaguluhan. Nang i-announce nga na naroon sila’y marami ang kumuha ng kanilang litrato kahit on going ang show.

Samantala, kasama si Ryan sa Bituing Walang Ningning and this time, magda-drama naman siya. Nasa cast din sina Zsa Zsa Padilla at Ai-Ai delas Alas.
* * *
Kapag walang trabaho, nagba-badminton si Jennylyn Mercado sa Smash kasama ang mga kaibigan. Gusto nitong pumayat at maalis ang bilbil na laging pinupuna mula nang siya’y tumaba.

Gusto rin nitong nasa kondisyon siya’t malapit na ang release ng second album niya sa GMA Records at mapapasubo siya sa promotion. Matatapos na this week ang taping ng Mis-Match episode ng Season 9 ng Love to Love kaya, makakapag-concentrate na siya sa promotion ng kanyang album.

"The Art of Letting Go", ang title ng album at ni-revive niya ang title track ni Mikaela at ginawang acoustics. Duet nila ni Janno Gibbs ang Moments of Love na theme song ng pelikula ng GMA Films with the same title. Ang lakas ng tawa ni Jennylyn nang biruin na after Ryza Cenon, siya na ang mali-link kay Janno.

Samantala, hiningi namin ang reaction ni Jennylyn sa sinasabing mas magaganda ang girls ng StarStruck 3 kesa sa grupo ng SS 1 at 2.

"May kanya-kanya kaming specialty, ganoon din ang SS2 at SS3. Wala na sanang compare-compare pa dahil ginawa naming mga taga-SS1 at SS2 ang the best. Ganoon din ang ginagawa ngayon ng SS3," sagot ni Jennylyn.

Kahit hate ang pagku-compare sa batches ng reality-based artista search ng GMA-7, bet pa rin ni Jennylyn sina Iwa Moto at Marky Cielo.
* * *
Premiere night ngayon ng I Will Always Love You sa Cinema 10 ng SM Megamall. Ini-expect na naming maiipit kami’t mahihirapang pumasok sa sinehan sa rami nang manonood ng movie nina Angel Locsin at Richard Gutierrez.

Sigurado rin kaming maingay sa loob ng sinehan at hindi namin maririnig ang palitan ng dialogue lalo na ‘pag eksena nina Angel at Richard dahil mauuna ang sigawan na may kasamang kilig ang fans. Ganito lagi ang nangyayari sa premiere night ng pelikula ng dalawa, nakakapagod pero, masaya’t nakakatuwa.

Nakakatuwa si Richard dahil kahit anong pag-iingat na hindi mapag-usapan ang Captain Barbell, napapasagot siya. Paghahandaan daw physically, mentally at emotionally ang kanyang next project dahil mas mahirap ito sa Mulawin at Sugo.

Binanggit din nitong wala pang napipiling leading lady para sa kanya ang GMA-7 at ang alam niya’y magkakaroon ng audition.

"I will re-create myself for this project. Kaya kailangan ko ng vacation and I’m looking forward sa one month na vacation. Baka hindi na kami sa Brazil pumunta kundi sa Australia," balita ni Richard.
* * *
Sa Sana’y Muling Makapiling bukas, makikilala si Mrs. Elgin na matagal nang naghahanap sa nawawalang anak na si Stephanie. Iniwan nito ang anak sa yaya nito at nagyayang lumabas ang bata. Mula noon, hindi na nito nakita ang anak.

Sinamahan ng SMM si Mrs. Elgin upang hanapin ang anak. Panoorin kung magkikita na ang mag-ina. Isa lang ito sa mga kasong idinulog kay Ms. Jessica Soho na agad inaksyunan. Mapapanood sa QTV 11, Tuesday, 11 p.m. ang kakaibang show.

Show comments