Pinag-uusapan pa sa isang nearby province ang isang member ng
Viva Hotbabes. Habang kumakanta sila at sumasayaw ay pabuka-buka ito ng bibig gayundin ang mga paa para maiba ang ginagawa sa lahat.
Nagbunga naman ang kanyang ginawa dahil siya ang pinalakpakan ng mga tao.
Isa itong kontrobersyal na
Hotbabe dahil laging napapaaway sa kanyang mga kasamahan.
Angel, Niligawan Din Ni Richard |
Tinanong ko sa presscon ng
I Will Always Love You si
Richard Gutierrez kung dumating ba sa punto na niligawan niya si
Angel Locsin. Noon kasing nagsusyuting sila ng
Sigaw ay very close ang dalawa at dun nagsimula ang pagtatangi ng aktor sa dalaga.
Hindi naituloy ang kanyang panliligaw dahil nagkaroon ng MU sina Angel at
Dennis Trillo pero nagkahiwalay din.
Champagne, Suporta Kay Manny Pacquiao |
Dumating na ng bansa si
Champagne Morales kasama ang amang si
Atty. Ciso Morales mula sa panonood nila ng naging laban ni
Manny Pacquiao.
Nagtungo dun si Champagne para bigyan ng suporta ang kanyang co-host sa
Sports Idol sa
IBC 13 na napapanood tuwing Biyernes.
"Halos mawalan ako ng boses sa kasisigaw. Nang manalo siya ay pinuntahan namin siya ni Papa sa Wynn Hotel. Niyakap ko siya at asawang si
Jinky dahil sa malaking karangalang ibinigay nila sa bansa at maging sa aming programa," ani Champagne.