May pagbibirong sinabi ni Regine na ang aso niya ang kasama niya sa Valentines Day. "Pagod ako sa Valentines Day dahil katatapos lang ng dalawang gabing concert sa Araneta Coliseum kaya siguro ay matutulog na lang ako sa buong araw ng Valentines Day," anang Songbird of Asia na bagaman at ang "Hold Me In Your Arms" ang unang single na ini-release from the album, paborito ko ang version niya ng rock n roll na "Blue Suede Shoes" ni Elvis Presley na ginawa niyang blues, ay ang ganda!
"Ayaw kong mag-revive ng kanta na parang kinopya ko lang. Pag wala na akong makita na mapapaganda sa isang ire-revive na kanta ay hindi ko na lang inire-revive," sabi pa ng napaka-galing na singer.
Kaya ang ganda ng pagkaka-revive niya ng "Xanadu", "On the Radio", "Call Me", "Head Over Feet", "Kiss On My List" at marami pang iba.
Inamin ni Regine na paborito niyang hingan ng kanta si Ogie Alcasid dahil "Hindi siya madamot sa mga songs niya pero, maingat siya sa mga kanta niya. Type ko rin si Trina Belamide."
Samantala, nagpakita ng kanyang suporta kay Erik Santos si Regine nang pumayag itong makipag-duet dito sa isa sa mga awitin sa 2nd album ni Erik sa Star Records na pinamagatang Whos Loving You Now". Ang duet nila na isang composition ni Ogie na pinamagatang "Bakit Iniibig Ka" ay may MTV na dinirek ni Bb. Joyce Bernal at kinunan sa isang subdivision sa QC.
Kung sabagay di naman ito nakakapagtaka. Sa set pa lamang ay gumastos na siya ng milyon. Namimigay din siya ng souvenir items sa mga nanonood ng show sa loob ng studio. At talagang pinag-iisipan ng production kung anong topic ang paguusapan kada linggo.
Ngayong Sunday, panauhin ang mga Unang Hirit girls na sina Atty. Gabby Concepcion, Rhea Santos at Suzy Entrata. Paiyakin din kaya sila ni Mader Ricky?