Kung matatandaan, si Jericho ang unang nag-decide na magsarili ng pagha-handle ng career niya. Hindi na siya nag-renew ng contract dahil gusto na nga raw nitong mag-solo at magtayo ng sariling banda dahil gusto pala niyang maging soloist.
Ang Genesis Entertainment ni Angeli Pangilinan and Gina Valenciano-Martinez na ang magha-handle ng career ni Heart.
Ano na nga kayang mangyayari sa career nina Heart and Echo? Paano na ang Panday na according to another ABS-CBN insider ay wala pang definite kung kailan uli ipalalabas kahit na nga sunud-sunod ang pluggings.
Pero gusto na raw kunin ng Malaysian Royalty ang anak nila ng dating actress, kaya lang ayaw naman daw ibigay ni Aurora Sevilla. Wala raw sustentong pinadadala ang ama ng bata dahil gusto niyang ito ang mag-alaga sa nag-iisang anak na lalaki.
Actually, Im not really familiar sa buhay ng dating actress.
Eh kaso sa kuwento ng mga kaibigan kong vaklah, nagkamal pala ang dating actress ng maraming pera. Imagine, in three years time daw, P30 million ang hinawakang pera ng dating actress na naubos lang in three years.
Kasi pala sa Galleria Suite ito nakatira dati at kung magbigay daw ng tip sa bell boy, mga P5,000.
Yun ngang vaklah na nagkuwento, grabe malaki-laki ring pera ang nabigay sa kanya ng dating actress dahil kung magbigay daw ito, dinudukot lang sa bag, hindi na binibilang sabay abot sa kanya.
Ganoon...So ang ending, hindi naman siya gaanong poor pero nag-iba ang lifestyle niya.
Base sa naririnig ko sa mga nakapanood ng pelikula, kakaiba ang portrayal ni Boyet de Leon na madalas nating mapanood na ama ng anak na inaapi or mabuting tatay sa kanyang maraming pelikula. Pero this time, kakaibang Boyet. First time pa lang daw nababasa ni Boyet ang script, sinabi na niya na gagawin niya ang movie.
Ganoon din ang reaction ni Epy Quizon sa movie. Nang mabasa niya ang script, sinabi na agad niyang gagawin niya ang movie dahil sa very unusual character na gagampanan niya sa movie. Dead ang character ni Epy Quizon as Francis sa entire movie.
Dark comedy ang pelikula na base sa play na Diin Na Si Francis improvised by the 2003 BEING Batch ng Negros Summer Workshops. Naging finalist na ang movie sa Cinemalaya Film Festival. Sinubukan din sana nila itong ipasok sa katatapos na Metro Manila Film Festival, pero sad to say hindi napili. Pero siguro blessing in disguise na rin na hindi because nagkaroon sila ng chance na i-promote ang movie ng mas matagal para ma-inform ang public about the movie.
Pero kahit na digital film, alam nyo bang umabot sa P15 million ang cost of production ng pelikula? At nagtulung-tulong ang ilang filmmakers, actors and small investors para gastusan ang Nasaan Si Francis. Ang Unitel Production ang nag-provide ng ginamit nilang HD camera, post facilities and technical staff samantalang ang Unico Entertainment na nag-finance sa prints, advertising and distribution ng pelikula na dinirek ng first time filmmaker na si Gabby Fernandez.
Also in the movie are Angel Aquino, Michael de Mesa, Mark Gil, Julia Clarete and Tanya Garcia.
From My Inbox |
Greetings from New Jersey.
Hope all is well with you and your family.I guess it would be better if Ill make this letter in Taglish.
And I hope you dont mind that.....Pinoy pa rin!
I always read your show biz balita at PhilStar Ngayononline.Tungkol po ito sa TFC dito sa New Jersey.... harang... sobrang harang!
Una,walang pasabi at bigla na lang naputol ang TFC sa house namin at nang tumawag kami sabi nila eh nilipat na raw sa DirectTV ang control. Nilipat nila ang control sa Direct TV (dahil mas malaki ang kikitain nila rito). Ganito rin po ang nangyari sa iba naming friends dito sa Northern NJ.
So we have to coordinate with DirectTV, and they were not friendly like the ABS-CBN staff... plus double pa gastos ngayon. Magiging basura ang mga previous dish and boxes na binili namin sa ABS-CBN.Pangalawa, when we inquire about getting GMA7-Channel 7 sabi nila dapat daw eh mag-TFC (ABS-CBN 2) muna dahil kasama sa package...WHAT? Dapat may 2 to get 7.... harang!
I hope eh matulungan ninyo kami sa ganitong bulok na pamamalakad.
Salamat po!
ELMER LOPEZ MAXIMO
Director-Administration and Operations
SEVEN SEVEN CORPORATE GROUP
217 East Main StreetRockaway,
New Jersey 07866T - 973.586.1817F - 973.586.6964M - 201.486.3980E -
emaximo@77soft.com W - www.77soft.com