^

PSN Showbiz

Nililigawan ng 3 basketbolista

-
Sa huli naming pagkikita ni Pauleen Luna noong premiere night ng The Maid ay natanong namin kung nagpupunta pa rin siya kay Dr. Manny Calayan para sa kanyang skin care.Umiling siya at nagsabing wala ng oras para dumalaw sa klinika dahil sa kabisihan mula nang lumipat sa GMA-7. Ipinakita pa nga nito ang kanyang baby fats sa tiyan kaya nag-suggest kami na ipa-lipo na lamang niya ito at may bagong teknolohiya ang Calayan Surgi Center na fat-dissolved na non-surgical.

Bigla itong napa-"No!" dahil ayaw nitong mabaog na dulot umano ng liposuction. Maraming kumukumbinsi sa kanya noon pa pero may well-meaning friend siya na umaayaw na magpasailalim siya sa operasyon. Marami na umanong mga pasyente ng liposuction na hindi umano nagkaka-anak at ayaw nitong mapabilang sa kanila.

Sa ngayon ay mas gusto nitong magpapawis para manatiling fit and healthy kaysa mahaluan ng kemikal ang kanyang katawan. Kahit may baby fats pa ito ay nakakabilib ang haba ng kanyang buhok dahil balitang tatlong basketbolista ang kumpirmadong nanliligaw sa kanya. Ang tsika ay talagang pumupunta sina Wesley Gonzales, Ren Ritualo at Mac Cardona sa kanyang tahanan para umakyat ng ligaw pero ngiti lamang ang isinukli sa amin ng dalaga sa aming pagkukumpirma dahil mga kaibigan ang turing n’ya sa tatlong basketbolista.

Maliban dito ay nabalitang nanunuyo rin sa kanya si Keempee de Leon at kung tama ang balita ay naging mag-on ang dalawa na nauwi sa hiwalayan. Nabalita rin na nagpapadala sa kanya ng flowers at chocolate si Gov. Mark Lapid pero itinanggi nitong nagkadebelopan sila. Alex Datu

ALEX DATU

BIGLA

CALAYAN SURGI CENTER

DR. MANNY CALAYAN

IPINAKITA

MAC CARDONA

MARK LAPID

PAULEEN LUNA

REN RITUALO

WESLEY GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with