Francine, sa taping nagpapaligaw!

Hanggang ngayon ay wala pa rin nobyo si Francine Prieto dahil prioridad nito ang kanyang career. Halos wala na nga itong pahinga ayon sa manager dahil sunud-sunod ang taping-MWF sa Etheria, Tuesday sa Bahay Mo Ba To’ at Monday sa Bubble Gang.

Marami pa rin itong suitors at isa sa mga ito ay sikat na basketbolista kaya sa kakapusan ng oras ay sa taping na lang ng Etheria niya pinapupunta ang manliligaw.

Eigenmann Brothers Nag-Aaral Magluto! Inamin ni Geoff Eigenmann na bida sa Mamayang Hatinggabi ng Komiks na madalas wala sa bahay ang inang si Gina Alajar kaya hindi sila nagkikita. Kapwa abala ang mag-ina kung saan bukod sa artista ng Siete ay director pa rin ng programa sa QTV 11 si Gina.

Si Geoff naman ay abala sa mga commitment sa ABS-CBN bukod pa sa pelikula ng Star Cinema.

"Pero bumabawi naman po si Mommy kapag araw ng Linggo. Nagpupunta kami sa mall, nagdi-dinner at nanonood ng sine," aniya.

Mahilig magluto si Geoff gayundin ang mga kapatid na sina Ryan at AJ kaya kumukuha sila ng cooking classes.

Bernard, Di Naiilang Kay Rica
Balik-tambalan sina Bernard Palanca at Rica Peralejo sa Komiks, sa istoryang Vincent. Apat na taon ding naging mag-on sila ng aktres at isang taon bago siya naka-recover.

Inamin nito na nag-attempt din siyang balikan ang ex-gf pero di na tinanggap ni Rica. Naging nobya nito ang model na pinsan ni Aubrey Miles pero break na sila.

"I’m free now. Hindi naman ako naging bitter sa paghihiwalay namin ni Rica pero nalungkot din ako dahil matagal ang pinagsamahan namin. Pero ang maganda lang naging mabuti kaming magkaibigan kaya maganda ang working relationship namin sa Vincent. Rica is professional when it comes to work at saludo ako sa kanya pagdating sa pag-aalaga sa kanyang career," aniya.

Nalungkot kami nang malamang tatlong taon pa lang si Bernard nang mabaril at mapatay ang kanyang daddy na during that time ay 23 years old lang.

Nagbebenta Ng Laman Dahil Walang Trabaho
Nakakalungkot isipin na dahil sa kawalan ng pelikula ay nagbebenta na lang ng laman ang ilang sexy stars natin. Wala rin silang mga out-of-town shows dahil tipid din ang mga hermana mayor o opisyales ng iba’t ibang lalawigan.

Para mabuhay ay napipilitan silang magbenta ng laman ranging from P200,000 at pinakamababa ay P30,000. Isang higa lang pera na!

Yun nga lang mawawalan sila ng respeto sa kanilang sarili. Sa hirap ng buhay ngayon ay kapit na lang sila sa patalim kung saan karamihan sa mga sexy stars na ito ay breadwinner ng pamilya at yung iba naman ay mga dalagang ina na.

Balik-Trabaho Si Manny P.
Naging matagumpay ang hero’s welcome na ginawa kay Manny Pacquiao.

Balik-trabaho si Manny sa programang Manny Pacquiao Sports Idol sa Channel 13. Iba’t ibang charitable institution ang pinupuntahan niya kung saan nauna na ang Golden Acres.

Mapapanood si Manny sa Sports Idol tuwing Biyernes 6-7 ng gabi sa IBC 13 with co-host Champagne Morales.

Blind Item: Mahilig Sa Sex Ang Female Singer?
Balitang laging nag-aaway ngayong ang female singer at ang asawa nito dahil nasasakal sa kanilang relasyon ang lalaki dahil super selosa ng kanyang asawa.

Gustong magtrabaho sa abroad ng kanyang asawa para naman patunayan na hindi umaasa sa singer na mayaman at may ilang negosyo.

Sey pa ng aking source na mahilig daw sa sex ang singer gayung hindi sila nabiyayaan ng anak kahit matagal na silang kasal.

Visible pa rin sa mga shows ang magandang singer dahil magaling naman itong umawit.

Show comments