May nagtatanong sa amin at kinukumusta ang kita ng
The Maid sa bansa. Okey naman ito dahil gustung-gusto ng Pinoy moviegoers ang horror film. Naiiba ang katatakutang pelikula ni
Alessandra de Rossi kaya di kataka-takang tangkilikin ito sa ibang bansa gayundin sa Pinas.
May posibilidad din palang magkamit ng acting award dito si Alex kung mano-nominate sa Singapore o Taiwan sa kategoryang Best Actress sa film festival dun. Kapag nagkataon ay malaking karangalan ito sa bansa natin sakaling manalo siya.
Palabas pa hanggang ngayon ang
The Maid na release ng
Solar Entertainment Corporation.
Sasabak Uli Sa Telebisyon |
Abala ngayon sa promosyon ng
I Will Always Love You si
Angel Locsin. Pagkatapos nito ay may gagawin siyang fantaserye titled
Salamangka pero balitang ang makakatambal ay si
Dennis Trillo at di si
Robin Padilla. Kapag nagkataon ay aalis ng
Etheria ang magaling na aktor bilang si Raquim para makaparehang muli ang aktres.
Nag-audition din pala sa
Pinoy Big Brother ang singer na si
Rommel Luna. During the audition ay nasagot nito ang mga tanong sa kanya kung saan pinalakpakan pa nga siya.
Umaasa si Rommel na sanay makasama siya sa
PBB dahil malaking karangalan ito para sa kanya. Nakalabas na sa pelikula ang actor-singer gaya ng
Lagarista, Virgin People at naging semi-regular sa
Sana Ay Ikaw Na Nga.
Si Rommel ay isa ring matagumpay na negosyante at may-ari ng
RML Express Courier.
Inihahanda na rin nito ang launching ng kanyang debut album.
Character Actor Mahal Pa Rin Ni Direk |
Hanggang ngayon ay di pa rin makalimutan ng isang magaling na director ang isang aktor na mahusay ding umarte laluna sa character role. Bukod sa may larawan ito sa kanyang kuwarto ay nami-miss pa rin niya ang character actor.
Magaling kasi siya pagdating sa romansa at maalalahanin pa.
"Kahit meron akong ibang minamahal ay siya pa rin ang nasa puso ko," sey ni Direk.
Hindi na gaanong aktibo sa pagdidirek ng pelikula si Direk pero ang character actor ay hataw pa rin sa paglabas sa telebisyon at minsan sa pelikula at digital films.