Movie ni Alessandra, mas malaki ang kita sa ibang bansa
January 30, 2006 | 12:00am
May nagtatanong sa amin at kinukumusta ang kita ng The Maid sa bansa. Okey naman ito dahil gustung-gusto ng Pinoy moviegoers ang horror film. Naiiba ang katatakutang pelikula ni Alessandra de Rossi kaya di kataka-takang tangkilikin ito sa ibang bansa gayundin sa Pinas.
May posibilidad din palang magkamit ng acting award dito si Alex kung mano-nominate sa Singapore o Taiwan sa kategoryang Best Actress sa film festival dun. Kapag nagkataon ay malaking karangalan ito sa bansa natin sakaling manalo siya.
Palabas pa hanggang ngayon ang The Maid na release ng Solar Entertainment Corporation.
Abala ngayon sa promosyon ng I Will Always Love You si Angel Locsin. Pagkatapos nito ay may gagawin siyang fantaserye titled Salamangka pero balitang ang makakatambal ay si Dennis Trillo at di si Robin Padilla. Kapag nagkataon ay aalis ng Etheria ang magaling na aktor bilang si Raquim para makaparehang muli ang aktres.
Nag-audition din pala sa Pinoy Big Brother ang singer na si Rommel Luna. During the audition ay nasagot nito ang mga tanong sa kanya kung saan pinalakpakan pa nga siya.
Umaasa si Rommel na sanay makasama siya sa PBB dahil malaking karangalan ito para sa kanya. Nakalabas na sa pelikula ang actor-singer gaya ng Lagarista, Virgin People at naging semi-regular sa Sana Ay Ikaw Na Nga.
Si Rommel ay isa ring matagumpay na negosyante at may-ari ng RML Express Courier.
Inihahanda na rin nito ang launching ng kanyang debut album.
Hanggang ngayon ay di pa rin makalimutan ng isang magaling na director ang isang aktor na mahusay ding umarte laluna sa character role. Bukod sa may larawan ito sa kanyang kuwarto ay nami-miss pa rin niya ang character actor.
Magaling kasi siya pagdating sa romansa at maalalahanin pa.
"Kahit meron akong ibang minamahal ay siya pa rin ang nasa puso ko," sey ni Direk.
Hindi na gaanong aktibo sa pagdidirek ng pelikula si Direk pero ang character actor ay hataw pa rin sa paglabas sa telebisyon at minsan sa pelikula at digital films.
May posibilidad din palang magkamit ng acting award dito si Alex kung mano-nominate sa Singapore o Taiwan sa kategoryang Best Actress sa film festival dun. Kapag nagkataon ay malaking karangalan ito sa bansa natin sakaling manalo siya.
Palabas pa hanggang ngayon ang The Maid na release ng Solar Entertainment Corporation.
Umaasa si Rommel na sanay makasama siya sa PBB dahil malaking karangalan ito para sa kanya. Nakalabas na sa pelikula ang actor-singer gaya ng Lagarista, Virgin People at naging semi-regular sa Sana Ay Ikaw Na Nga.
Si Rommel ay isa ring matagumpay na negosyante at may-ari ng RML Express Courier.
Inihahanda na rin nito ang launching ng kanyang debut album.
Magaling kasi siya pagdating sa romansa at maalalahanin pa.
"Kahit meron akong ibang minamahal ay siya pa rin ang nasa puso ko," sey ni Direk.
Hindi na gaanong aktibo sa pagdidirek ng pelikula si Direk pero ang character actor ay hataw pa rin sa paglabas sa telebisyon at minsan sa pelikula at digital films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended