^

PSN Showbiz

Simula na ng pagpo-produce ni Marvin!

RATED A - Aster Amoyo -
Mukhang ang Mobile Kusina host na si Christine Jacob ang bagong yayariin ni Bitoy (Michael V.) sa "Yari Ka" segment ng sinusubaybayang Bitoy’s Funniest Videos ngayong Sabado ng gabi. Makapasa kaya kay Christine ang bagong invention ni Bitoy na microwave?  Siyempre pa, hindi rin paaawat ang grupo ni K Brosas sa "Alpha Kappal Muks."  Magpapanggap namang mga lady guards ang mga kikays sa J4K at kakapkapan nila ang mga lalaking papasok. Ipapakita rin sa naturang programa ang maraming batang pasaway sa tagalized America’s Funniest Videos kasama ang mga wedding bloopers at mga nakakatawang video ng mga aso.
* * *
Sa kabila na nasa ilalim pa rin ng pangangalaga si Marvin Agustin ng Star Magic (dating Talent Center) ng ABS-CBN, madalas na itong makita sa GMA-7 dahil wala naman siyang regular show ngayon sa Kapamilya.

Kung noon ay super higpit ang Star Magic sa guesting ng kanilang mga talents sa kabilang istasyon, hindi na ngayon. Kung wala rin lamang conflict ang kanilang mga artists, pinapayagan na nila ang mga ito na mag-guest sa kanilang karibal na istasyon dahil marami sa mga talents ng Star Magic ang walang assignments. Kesa nga naman maburo ang mga ito at walang kinikita, pinapayagan na silang mag-guest sa ibang istasyon.  Ang Extra Challenge nina Paolo Bediones at Ethel Booba ang madalas mag-guest ay mga artists na nagmumula sa ABS-CBN.  Lately, naging visible na si Marvin Agustin sa guestings nito sa GMA tulad ng Extra Challenge at Magpakailanman.

Samantala, papasukin na rin ni Marvin ang pagpu-produce ng film na pinamagatang Donsol, isang lugar sa Sorsogon.  Nagtayo na rin si Marvin ng sarili niyang produksiyon, ang Magus Productions.
* * *
E-mail: [email protected]

vuukle comment

ALPHA KAPPAL MUKS

BITOY

CHRISTINE JACOB

EXTRA CHALLENGE

FUNNIEST VIDEOS

MARVIN AGUSTIN

STAR MAGIC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with