Isa pang digital film ng GMA Artist Center

Tatlong mahuhusay na direktor ang na-assign para magdirek ng isa pang digital film trilogy na gagawin ng GMA Artist Center. Ito ay sina Peque Gallaga, Soxie Topacio at Rahyan Carlos. Ang mga gaganap sa nasabing proyekto ay mga 75 na naging produkto ng Acting Workshop for Film & TV na ang naging facilitators ay sina Bodjie Pascua, Hero Bautista, Edna Mae Landicho, Cris Vertido at si Kuya Germs. Tumulong din ang ilang kilalang personalidad sa industriya.

Bukod sa pagtuklas at paghahasa ng mga talino, nakipagtulungan din ang GMA Artist Center sa Feed the Hungry Inc. na binubuo ng mga Fil-Am na taga-Washington DC na nagbibigay ng mga regalo’t pagkain sa mga streetchildren tuwing Pasko. Nagbibigay din sila ng mga silid-aralan, tahanan, medical/dental missions, infrastructure at economic development sa 75 probinsya sa 80 probinsya na makikita all over the country.

Sa pamumuno ni Ida R. Henares, hinirang ng GMAAC na spokesperson/advocate sina Angel Locsin para sa blind beneficiaries, Jennylyn Mercado para sa mga battered children (Bata Foundation of the Christian Mission Services) at si Arnold Clavio para sa Igan Foundation.

Bilang bahagi ng pagpapalaganap ng talino ng mga GMA Artists, ipinagdiwang nito ang kaarawan ng mga artista na isinilang sa buwan ng Enero –Katrina Halili, Sheena Halili at Yasmien Kurdi.
* * *
E-mail: veronica@philstar.net.ph

Show comments