Sina Luis at Anne na ngayon!

Isang source ang nag-confirm na sina Anne Curtis at Luis (Lucky Manzano) na ang mag-on ngayon! Matagal na raw palang split si Anne sa kanyang boyfriend na si Paolo Araneta bagaman at ito ay hindi niya ipinagsasabi.

Wala ring katotohanan ang balitang nililigawan ni Luis si Toni Gonzaga.

Isa ang aking editor sa naka-witness ng sweetness nina Luis at Anne sa Centennial Celebration ng Navotas kamakailan lamang. Nagtataka nga ito kung bakit panay ang halik ni Luis sa balikat ni Anne na pinapayagan naman nito gayong ang alam niya (ng aking editor) ay ang binata ng mga Araneta ang ka-on ng actress. Ngayon lamang niya nalaman na kaya ganun ang dalawa ay dahilan sa may relasyon na pala ang mga ito.
* * *
Nasa kamay na ni Ms. Cristine Dayrit, columnist of the Philippine Star ang appointment paper niya as the new chairman of the Cinema Evaluation Board.

A month ago kasi, a Malacañang source told me na pinirmahan na ni President Gloria Macapagal-Arroyo ang appointment paper ni Ms. Cristine. Pero ayaw agad mag-react ni Ms. Cristine dahil wala pa siya no’ng hawak na signed document na nagsasabing siya na nga ang chairman ng CEB.

Oath of office na lang ang kulang kay Ms. Cristine ngayon at magti-take over na siya.

Thirty nine years old lang si Ms. Cristine.

Papalitan niya sa puwesto si Mr. Jacky Atienza na na-appoint namang Chairman ng Film Development Council.

Like Cristine, very much qualified si Mr. Atienza sa kanyang position. Hindi lang siya knowledgeable sa paggawa ng movie kundi may know-how siya sa pagma-manage ng isang organization na kailangan ng FDCP.

Actually, tama lang ang decision ng presidente na mag-appoint ng mga young blood sa kanyang pamunuan.

Congratulations!
* * *
Kahit hindi na gaanong sikat ang Backstreetboys sa international music scene, sa Pinoy audience sobrang sikat pa sila.

Sa concert nila last Friday sa Araneta Coliseum, dagsa ang tao. From song one ng grupo, nakatayo na ang audience. As in walang umupo sa buong Araneta the whole time na nagpi-perform ang Backstreet. Paano mo nga naman kasi makikita kung nagtayuan na ang lahat? Tapos ‘yung ibang nasa area ng Patron, dumagsa sa harap ng stage so kahit kaming nasa center ng Patron, wala na ring choice kundi tumayo rin dahil wala ka talagang makikita.

Marami pa ring fans na bagets ang grupo na wala ring tigil sa katitili. Kahit nga si Toni Gonzaga na nasa harap ng seats namin, sayaw to death talaga with matching tili. At least for a change, hindi siya serious. Siya pa nga ang unang tumayo sa chair with matching sayaw.

Aside from Toni, nasa may harapan din namin si Sarah Geronimo kasama ang kanyang Mommy Divine. Pero si Sarah, behaved lang. Clap lang siya at nakiki-sing along compared to Toni na obvious na Backstreet fanatic.

Ando’n din si Mark Bautista. Hindi ko sure, pero parang si Carlos Agassi ang nasa front row kasama ang mga exec ng ABS-CBN.

Anyway, 8:45 nag-start ang show ng grupo. At mapapansin mo agad na tumaba ang dati nilang frontliner na si Nick Carter. Ang laki ng nag-gain niyang weight. Samantalang ‘yung iba namang member, na-maintain nila ang katawan.

But anyway, naging chubby man siya, magaling pa rin naman siyang sumayaw at kumanta.

Second time ng Backstreetboys na nag-concert sa ‘Pinas. Di pa sila masyadong sikat nang first time silang pumunta rito.

The following night, Saturday go naman kami ng friend kong si Iskho Lopez sa Jason Mraz concert sa NBC Tent.

Kung may pagka-wild ang audience sa Backstreet concert dahil todo ang tilian at sayawan, behaved naman ang audience sa concert ni Jason kahit pakiramdam ko, gustung-gusto na nilang tumili ng malakas.

Meron namang nagcha-chant ng name ni Jason, pero hindi masyadong wild.

Since behaved ang mga katabi ko, hanggang clap din lang ako kahit gusto kong tilian si Jason.

Cutie kasi talaga si Jason at parang nice siya in person base sa mga joke niya sa spiels.

Matagal-tagal ko ring hinintay ang concert na ‘to. Kaya nang magkaroon ng pronouncement na darating si Jason, nag-promise ako na hindi ko talaga palalampasin. Kaya lang nga nasabay sa Backstreet.

Thanks to my favorite TV host, Ricky Lo na nagbigay ng Saturday ticket ng concert ni Jason Mraz dahil Friday ticket din ang napunta sa akin.

Anyway, front act ni Jason si Paolo Santos.

In fairness, ang galing pala ni Paolo.

Hindi ko pa siya napapanood ever kaya hindi ko alam na magaling siya.

In fairness din, kulang lang sa push ang career ni Paolo kaya parang wala siya sa eksena. Kailangan siguro niyang maging visible at konting repackage kasi hindi na masyadong ‘in’ ang acoustic. Bagay din naman kasi sa kanya ang ibang songs like ballad and R&B. Ok din ang rendition niya ng revival ng "Magasin" song ng Eraserheads na ni-revive sa Electromagneticjam ng BMG Records Pilipinas.

At ang importante, kailangan niyang magkakain ng marami para naman mag-gain siya ng weight.

Going back to the concert, nag-duet sina Jason and Paolo at in fairness uli, hindi nagpahuli si Paolo hindi lang sa pagkanta kundi sa pag-play ng gitara.

Kaya nga after the concert, feeling namin ka-level na ni Paolo si Ishko.

So, once na magkaroon ng solo concert si Paolo, watch kami ni Ishko.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph

Show comments