Dugasan sa TF, uso ngayon

May nakapagkwento sa amin na papatayin na ang programang It’s Chowtime Na! Dahil sa mga nangyayaring gulo among staff at hosts na pinangungunahan nina Angelica Jones at Onemig Bondoc.

Nabasa raw kasi ng producer ng programa na si Mrs. Ching ang mga pinagsasabi ni Uno sa reporters na nag-interview sa kanya nu’ng nagpapunta siya ng mga kaibigang press sa bahay nila sa Capitol Hills, Quezon City.

Hindi raw nagustuhan ng ilang staff at ng producer ang sinabi ni Onemig na, "Has been na rin si Angelica, pareho kaming has been na nasa Chowtime Na." Parang lumalabas daw kasi na lahat ng nasa programa ay pawang mga ‘laos na’ bagay na paninira nga naman ‘yun sa show.

Hindi na nga makaangat ang programa in terms of rating games ay siniraan pa mismo ng isa sa host na doon naman siya kumikita at napapanood, "Kung tutuusin nga, magpasalamat dapat si Uno dahil may exposure siya maski na ba Chowtime lang ‘yun. Ewan ko ba kasi kung bakit nagpipilit pa siyang mag-showbiz, e, hindi naman siya type ng showbiz," kwento mismo ng staff ng show.

At dahil nga nagmurahan sina Uno at Angelica ay hindi na raw sisiputin ng sexy comedienne ang programa at nagdesisyon daw ang producer na kung hindi rin lang daw magkakasundo ang mga host niya ay mabuti pang patayin na lang niya ang programa.
* * *
Mukhang nauuso ngayon na nagkakaroon ng ‘gusot’ between managers at talents pagdating sa money matters dahil may ilang talents na naman ang gustong ireklamo rin ang kanilang manager dahil nabuking nilang hindi sinasabi sa kanila ang totoo nilang talent fees.

Ayon mismo sa talents na nakausap namin ay nakita nila ang ilang dokumentong pinirmahan ng staff ng manager nila kung magkano ang talent fees nila per guesting at bagay na ikinagulat nila dahil bukod sa wala pang kalahati sa nakukuha nila ay kinakaltasan pa sila ng 30% komisyon ng manager, iba pa ‘yung tax kuno na hindi naman daw ibinabayad.

Say mismo ng isa sa talent na kausap namin ay "Ang singil pala niya per guesting ko ay P15,000, pero ang sasabihin lang sa akin ng manager ko, P5,000 tapos kakaltasan pa niya ako ng komisyon niya, tapos may VAT pa, tapos may sinasabi pang pampadulas sa talent coordinators para raw bigyan uli ako ng projects.

"Nagulat ako, kasi yung P15,000 na talent fee ko, nakukuha ko ro’n P3,000 na lang pala? Bakit naman ganun?"

At yung isang baguhang talent naman ay nai-book daw ng P3,000 tapos ang ibibigay lang daw ay P2,000 kaltas pa uli ang komisyon. — Reggee Bonoan

Show comments