Bawal makipag-away kay Angelica
January 23, 2006 | 12:00am
Pinagbawalan ni Jun Nardo ang talent niyang si Phillip Lazaro na mag-comment ng kahit na ano tungkol kay Angelica Jones. Ayaw ni Jun na magaya ang comedian kay Onemig Bondoc na tinitira ngayon dahil sa mga binitiwang salita laban kay Angelica.
Tama si Jun na kahit si Angelica pa ang mali, si Phillip pa rin ang lalabas na masama sa mata ng mga tao. Hindi rin daw tatanggapin ng tao ang excuse na bading si Phillip kaya, nakikipag-away sa babae. Nagbiro nga si Jun na kundi susunod sa kanya ang alagay bibitiwan niya ito.
Magkakasama ang tatlo sa Chow Time pero ngayon, mortal na magkakaaway. Ang latest tsika, magri-resign na lang sa show si Angelica para wala ng problemahin ang producer. Lalo pa sigurong nagkakagulo sa show kung nagri-rate ito. Sus!
Sa February 4 na ang start ng Celebrity Edition ng Pinoy Big Brother pero, wala pang balita kung sino ang mga nakapasa sa interview. Nag-audition kaya si Rustom Padilla na balita namiy interesadong sumali?
Mag-a-active na nga sa showbis ang actor at maganda ngang paraan para muling pag-usapan kung mapapasali siya sa PBB. Hanggang 42 days lang daw ito at hindi makakasira sa plano ni Rustom na magdirek ng pelikula. Si Ariel Rivera pa rin kaya ang type niyang magbida sa kanyang first directorial job?
Nanibago kami kay Karen delos Reyes nang makausap namin sa presscon ng I Will Always Love You. Hindi na siya maingay at behave ang lola nyo. Nang usisain, dahil daw yun sa pagma-mature niya. Kaya, kahit narinig ang bitchy remark ng isang press na hindi siya kilalay hindi ito nag-react.
Ngumiti rin lang ito sa comment na there was a time na war sila ni Angel Locsin at nag-iisnaban sa Click. Pero ngayon, magkasamat friend pa ang role nila sa Regal movie at magkakampi sa Darna.
Walang regular show sa GMA-7 si Karen at di siya sigurado kung makakasama sa pagbabalik sa ere ng Darna. Nanibago pero, nag-enjoy siya sa kanyang first movie at nag-wish na masundan pa. With Annabelle Rama as her future manager na masipag maghanap ng project for her talents, matutupad ang wish ni Karen.
Karen is going steady with a 21-year-old, Fil-German guy named Kirk Kaiser na schoolmate niya sa high school. Masscom student ito sa La Salle ngayon at bago pa lang ang kanilang relasyon.
Pati ilang members ng cast ng isang serye sa telebisyon, hindi na nagugustuhan ang script ng show. Kung saan-saan na pumupunta ang istorya nitot parang hindi na alam kung paano tatapusin.
Isa sa nalolokay ang lead actress at hindi maintindihan ang script. Minsan, tinawag pa nito ang EP ng series at inalam ang comment. Pero, naguluhan din ito sa flow ng story at hindi natulungan ang actress.
Ang ganda nga naman ng simula ng serye pero, hindi na-sustain. Pumangit ang istoryat marami sa cast ang hindi nagagamit. Ang hindi pa maganday dagdag nang dagdag ng cast na unfortunately, hindi nakakatulong sa story at rating. Marami tuloy ang nagwi-wish na matapos na ito.
Tama si Jun na kahit si Angelica pa ang mali, si Phillip pa rin ang lalabas na masama sa mata ng mga tao. Hindi rin daw tatanggapin ng tao ang excuse na bading si Phillip kaya, nakikipag-away sa babae. Nagbiro nga si Jun na kundi susunod sa kanya ang alagay bibitiwan niya ito.
Magkakasama ang tatlo sa Chow Time pero ngayon, mortal na magkakaaway. Ang latest tsika, magri-resign na lang sa show si Angelica para wala ng problemahin ang producer. Lalo pa sigurong nagkakagulo sa show kung nagri-rate ito. Sus!
Mag-a-active na nga sa showbis ang actor at maganda ngang paraan para muling pag-usapan kung mapapasali siya sa PBB. Hanggang 42 days lang daw ito at hindi makakasira sa plano ni Rustom na magdirek ng pelikula. Si Ariel Rivera pa rin kaya ang type niyang magbida sa kanyang first directorial job?
Ngumiti rin lang ito sa comment na there was a time na war sila ni Angel Locsin at nag-iisnaban sa Click. Pero ngayon, magkasamat friend pa ang role nila sa Regal movie at magkakampi sa Darna.
Walang regular show sa GMA-7 si Karen at di siya sigurado kung makakasama sa pagbabalik sa ere ng Darna. Nanibago pero, nag-enjoy siya sa kanyang first movie at nag-wish na masundan pa. With Annabelle Rama as her future manager na masipag maghanap ng project for her talents, matutupad ang wish ni Karen.
Karen is going steady with a 21-year-old, Fil-German guy named Kirk Kaiser na schoolmate niya sa high school. Masscom student ito sa La Salle ngayon at bago pa lang ang kanilang relasyon.
Isa sa nalolokay ang lead actress at hindi maintindihan ang script. Minsan, tinawag pa nito ang EP ng series at inalam ang comment. Pero, naguluhan din ito sa flow ng story at hindi natulungan ang actress.
Ang ganda nga naman ng simula ng serye pero, hindi na-sustain. Pumangit ang istoryat marami sa cast ang hindi nagagamit. Ang hindi pa maganday dagdag nang dagdag ng cast na unfortunately, hindi nakakatulong sa story at rating. Marami tuloy ang nagwi-wish na matapos na ito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended