GMA rin ang pumapatay sa QTV 11!
January 20, 2006 | 12:00am
Akala ba namin ay number 3 station ang QTV 11?
Ito ang ipinakalat na press releases ng GMA 7 sa unang linggo palang ng airing ng sister station nila.
Pero ano itong ibinalita sa amin na 10 programa ng QTV 11 ang mamaalam na at hindi na aabutin ng 2nd season para raw hindi lumaki ang lugi at papalitan na lang ng bagong show.
Base sa kwento sa amin ng staff ng mga programang matsutsugi, "Walang ratings at walang ads na pumapasok, nakakalungkot nga kasi magaganda naman yung mga show at talagang pinaghihirapan namin, e, wala talaga, kasi naman yung mga timeslot na ibinigay sa amin, e, magaganda ang katapat sa Channel 7 at may following na, siyempre mas susubaybayan sila ng viewers.
"Tama ba yun, sariling produkto, sila rin ang pumapatay? Nakakaawa yung ibang staff na walang ibang raket."
Nabanggit sa amin ang Pusong Wagi ni Tessie Tomas na papalitan ng game show ni Arnell Ignacio na Now Na! at ang soap drama ni Nadine Samonte na Angel Abby.
"Nakakaloka nga itong GMA 7, hindi nila alam, nasasagasaan nila ang mga programa ng QTV, para ano pat nagtayo sila ng ibang istasyon?"
How true na sinabon daw ng executive ng SOP ang ilan niyang staff last Sunday dahil nakita niyang guest ang isa sa finalist ng Search For Star In A Million na si Michael Cruz na siyang kumanta ng theme song ng Daisy Siete Season 10 na Sayaw ng Puso kasama si Evette Pabalan.
Promo raw kasi ng DS sa SOP para sa Season 10 at sasayaw sina Rochelle Pangilinan, Kier Legaspi, Sunshine Garcia, Jojo Zafra at ibang Sex Bomb Girls at siyempre, ka-join din sa stage sina Michael at Evette.
"Naloka si . kasi nakita niya sa monitor na naroon yung Michael Cruz, e, taga-ABS nga naman yun, e, hindi na nahabol, kaya ang desisyon, hindi siya kukunan ng kamera kaya kung napanood mong mabuti yung segment na yun, hindi napanood sa monitor si Michael," kuwento sa amin.
Ano kayang say ni Joy Cancio rito?
Buti pa ang Showbiz Stripped ni Ricky Lo sa GMA 7, maski na super late na itong umeere tuwing Sabado ng gabi ay humahataw sa ratings kumpara sa mga show ng QTV 11, say nga ni Ricky nang magkita kami, "Maganda ang ratings, maganda rin ang feedback maski late nang umi-air ang Stripped, thanks sa suporta. Nami-miss ko si Melanie (Marquez), fun pa naman siyang kasama."
Nasa mood na Direk Joel Lamangan nang makausap namin sa thanksgiving party ng Regal.
Tinanong namin ang director kung matutuloy pa rin ang reklamo niya sa pamunuan ng MMFF dahil nga sa paniniwalang may dayaang naganap.
"Hindi na, hayaan mo na sila. Basta kami, ako personally, naglabas na ako ng sama ng loob ko sa kanila, ganun naman talaga, kapag galit ka, ang una mong sasabihan ay ang media to air your side, pero wala na," katwiran ni Direk Joel. Reggee Bonoan
Ito ang ipinakalat na press releases ng GMA 7 sa unang linggo palang ng airing ng sister station nila.
Pero ano itong ibinalita sa amin na 10 programa ng QTV 11 ang mamaalam na at hindi na aabutin ng 2nd season para raw hindi lumaki ang lugi at papalitan na lang ng bagong show.
Base sa kwento sa amin ng staff ng mga programang matsutsugi, "Walang ratings at walang ads na pumapasok, nakakalungkot nga kasi magaganda naman yung mga show at talagang pinaghihirapan namin, e, wala talaga, kasi naman yung mga timeslot na ibinigay sa amin, e, magaganda ang katapat sa Channel 7 at may following na, siyempre mas susubaybayan sila ng viewers.
"Tama ba yun, sariling produkto, sila rin ang pumapatay? Nakakaawa yung ibang staff na walang ibang raket."
Nabanggit sa amin ang Pusong Wagi ni Tessie Tomas na papalitan ng game show ni Arnell Ignacio na Now Na! at ang soap drama ni Nadine Samonte na Angel Abby.
"Nakakaloka nga itong GMA 7, hindi nila alam, nasasagasaan nila ang mga programa ng QTV, para ano pat nagtayo sila ng ibang istasyon?"
Promo raw kasi ng DS sa SOP para sa Season 10 at sasayaw sina Rochelle Pangilinan, Kier Legaspi, Sunshine Garcia, Jojo Zafra at ibang Sex Bomb Girls at siyempre, ka-join din sa stage sina Michael at Evette.
"Naloka si . kasi nakita niya sa monitor na naroon yung Michael Cruz, e, taga-ABS nga naman yun, e, hindi na nahabol, kaya ang desisyon, hindi siya kukunan ng kamera kaya kung napanood mong mabuti yung segment na yun, hindi napanood sa monitor si Michael," kuwento sa amin.
Ano kayang say ni Joy Cancio rito?
Tinanong namin ang director kung matutuloy pa rin ang reklamo niya sa pamunuan ng MMFF dahil nga sa paniniwalang may dayaang naganap.
"Hindi na, hayaan mo na sila. Basta kami, ako personally, naglabas na ako ng sama ng loob ko sa kanila, ganun naman talaga, kapag galit ka, ang una mong sasabihan ay ang media to air your side, pero wala na," katwiran ni Direk Joel. Reggee Bonoan
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended