Repackaged StarStruck Survivors

Siyam na lamang ang natitirang survivor sa StarStruck Nationwide Invasion na tuwing Linggo ay nagbabawas ng myembro.

Last Sunday, ginrupo sa tatlo ang mga survivors at bawat grupo ay ini-assign sa isang talent manager na binigyan ng assignment na i-repackage ang siyam para magmukha silang celebrities.

Bumunot ang tatlong managers (Malou Choa-Fagar, Douglas Quijano at Lolit Solis) ng color coded stars para malaman kung anong grupo ang na-assign sa kanila. Nabunot ni Ms. Fagar ang grupo nina Bugz Daigo, Jackie Rice at Vivo Ouano. Sina Marky Cielo naman, Jana Roxas at Chuck Allie ang napunta kay Douglas Quijano. Ang natitirang sina Iwa Moto, Gian Carlos at Arci Muñoz ay nakuha ni Lolit Solis.

Pagdating ng susunod na live episode sa Linggo, pipili ang tatlong talent managers ng tig-isang Star Struck Survivors na sa akala nila ay dapat nang matanggal, mapapasama ang tatlong pinili nila sa lowest 6 na panggagalingan ng susunod na StarStruck Avenger.

Of the nine, outstanding sa akin sina Jackie Rice, Jana Roxas, Iwa Moto at Marky Cielo. Mas marami talagang mas okay na babae kesa lalaki.

Colorful si Iwa na tinatawag na Bad Girl ng StarStruck 3, maraming suicide marks at sinasabing marunong uminom at magsigarilyo. "Tumigil na ako since mag-join ako ng StarStruck," paliwanag niya. Siya ang sinasabi ng lahat ng babae na magiging mahigpit na kalaban nila. Naniniwala sila na nakakalamang ang pagiging tsinita nito dahil halos lahat sila ay mapuputi at mestisa.

Paborito naman si Marky Cielo, taga-Mountain Province dahil masang-masa ang itsura nito. Hindi ito gwapo sa unang tingin pero, habang tinitingnan mo ay nagkakaro’n ng character ang mukha. Mahiyain din siya.

Si Jackie Rice ay undeniably pretty, 15 lang at maraming kamukha na artista. Umiyak ito nang mawala ang tarpaulin niya. Sa piggery mapupunta ang bahagi ng cash prize niya, if ever, dahil pig ang lucky charm niya at may kaibigan siya na yumaman ng husto dahilan sa mga baboy.

Si Jana Roxas ay kinse anyos din at taga-Tarlac. Inabandona ng kanyang ama at birth, lumaki sa lola na sa kasamaang palad ay may sakit na cancer.

Kung pipili pa ako ng isa pang lalaki para makabuo ng top 4, gusto ko ang Cebuanong si Bugz Daigo. Sa kanilang siyam, siya ang may pangarap maging isang sikat na singer, lahat kasi ay pag-arte ang puntirya.

Hanga naman ako kay Vivo Ouano dahil hindi ito affected ni munti man ng sinasabi ng marami na wala siyang talent. "Wala namang taong walang talent, madalas hindi lamang ito nadi-develop. Ako whatever talent I have pinipilit kong ma-develop," sabi niya.

Si Arci Muñoz, akala ko nung una ay balikbayan dahil Ingles nang Ingles, Di naman pala. Pinagsabihan siya na mag-Tagalog para magustuhan siya ng press na ginawa naman niya. Bagaman at naging kontrobersyal dahil nasabit sa isang "krimen" na kinasangkutan ng mga Survivors, sinabi niyang "Good or bad, publicity yan, kaya okay lang" na kinontra ng ilan sa pamamagitan ng pagsasabing hindi makakatulong ang ganung attitude niya sa kanyang career. Madali naman siyang pagsabihan dahil agad siyang sumusunod.

Sayang at may tatlo pang Survivor na di ko nakausap dahil nagmadali na akong umalis dahil hahabulin ko pa ang Jewel in the Palace.
* * *
E-mail: veronica@philstar.net.ph

Show comments