Aiai, mawawalan na naman ng TV show!

Isang malaking hamon sa isang executive ng show sa GMA 7 kung papayagan niyang tumuntong ng Siete ang singer na si Nina para i-promote ang pelikulang I Will Always Love You nina Richard Gutierrez at Angel Locsin dahil ito ang kumanta ng theme song na co-prod ang GMA Films at Regal Entertainment.

Matagal na kasing "banned" si Nina sa mga shows ng Siete dahil sa ginawa niya two years ago na isa siya sa ini-launch ng programang SOP at nagpa-press visit pa noon, tapos nasa ASAP pala siya on that same day at nakikipaghatawan sa kantahan kasama ang hosts ng nabanggit na programa.

At dahil dito ay nagalit nga raw ang executive ng SOP at sinabing hindi na makakatuntong si Nina sa GMA 7.

Ang tanong, paano kung ang GMA Films producer na si Atty. Annette Gozon-Abrogar na ang magsalita na i-guest si Nina sa mga show ng Siete para sa promo ng I Will Always Love You, ano kaya ang reaksyon ng executive na nagpa-banned kay Nina?
* * *
Alam kaya ni Comedy Concert Queen Aiai delas Alas na last taping day na ng sitcom niyang My Juan and Only sa January 24?

Ito ang tsinika sa amin ng taga-production na hindi na puwedeng i-extend pa ang nabanggit na sitcom dahil dapat ay nung December pa ito tsinugi, but since it’s December at bilang regalo sa lahat ng staff at cast ay na-extend ito ng isang buwan.

Sa madaling salita, ang ETK na lang ang nag-iisang show ni Ms. A at wala namang nabanggit sa amin ang taga-production kung ano ang ipapalit sa sitcom ng komedyana.

Since wala pa namang show si Aiai sa Dos, puwede na ba siyang mag-guest sa GMA 7 tulad ng ginagawa ng ibang talents nila na nago-ober de bakod na?

Naaliw kami, huh? Mas marami pang shows at TV commercial ang manager ni Aiai na si Boy Abunda sa kanya?
* * *
Kung hindi kami nagkakamali ng pandinig sa sinabi ni Angel Locsin sa presscon ng I Will Always Love You last week ay this week sila maghaharap ng manager niyang si Becky Aguila para i-settle ang lahat ng dapat ayusin at kung saan nag-umpisa ang gusot nilang dalawa.

Nabanggit din dati ni Angel na kasama nila ang kani-kanilang mga abogado at accountant na siyang magpi-present ng kani-kanilang mga dokumento para mag-tally ang tungkol sa pera.

Sana nga matuloy ito para matapos na rin ang lahat at para malinawagan na rin ang mga isyu na hanggang ngayon ay malaking kuwestiyon sa ibang tao at para matapos na rin ang pakikialam ng ibang taong gustong lumala ang gulo nina Angel at Becky.

Samantala, nabanggit sa amin ng personal assistant ni Angel na si Cynthia Valconcha na nailing na lang daw ang aktres sa mga text messages na ipinadadala raw ng dati niyang katulong sa reporters na sinisiraan siya na talagang masama raw ang ugali ni Angel.

"Paano magti-text ang isang dating katulong kuno ni Angel sa reporters, e, malay ba niya sa mga numero? May hinala naman kami kung sino ang gumagawa nyan dahil matagal na niyang gawain ‘to, saka na namin papangalanan kasi pinapa-trace pa namin ang numero at malalaman din this week," pahayag sa amin.

"Wag na sanang makisawsaw ang ibang taong wala namang alam sa isyu dahil imbes na pag-ayusin nila sina Angel at Becky, pinalala nila ang sitwasyon," dagdag pa. REGGEE BONOAN

Show comments