Aktres, ninakawan ng katulong
January 16, 2006 | 12:00am
Nakatanggap kami ng tawag galing sa aktres na si Jobelle Salvador na kasalukuyang nasa Las Vegas, Nevada kasama ang kanyang mga kapatid, ina at dalawang anak na sina Mico (16) at Julina (5). Although sa Tokyo, Japan na naka-base si Jobelle, pabalik-balik ito ng Las Vegas kung saan siya nakabili ng bahay.
Sa Las Vegas na rin namimirmihan ang iba niyang mga kapatid na sina Jeffrey at asawa nitong si Leni Santos, James, Johnny at Jonathan. Ang isa pa nilang kapatid na si Eddie ay sa California naman naka-base habang ang isa pa nilang kapatid na si Jay-Jay ay siyang naiwan dito sa Pilipinas.
"Nandito ako sa Vegas since November last year. Hanggang February ako rito dahil may project akong binubuo dito. By March na ako babalik ng Tokyo," bungad niya sa amin.
Ibinalita rin sa amin ni Jobelle na bumili umano siya ng isa pang bahay sa Las Vegas na balak niyang ipa-rent-out. May condo unit din siya sa Tokyo, Japan.
Ibinalita sa amin ni Jobelle na balak niyang kasuhan ang kanyang naiwang maid sa kanyang condo sa Japan na si Tintin dahil umalis umano ito sa condo nang hindi nagpaalam at may tangan umanong valuables. Since nasa Las Vegas pa si Jobelle, hindi pa niya alam kung anu-anong gamit niya ang tinangay nito.
Mahigit tatlong taon na kay Jobelle si Tintin at trinato niya itong kapamilya. Si Jobelle din ang gumawa ng paraan para makapunta ng Japan si Tintin. Pinakiusapan na lamang ni Jobelle ang kanyang Japanese businessman boyfriend (ama ng anak niyang si Julina) na palitan ang lock ng kanyang condo para hindi na muling makapasok si Tintin na TNT ngayon sa Japan.
Ibinalita rin pala ni Jobelle na sa Las Vegas na rin naka-base ngayon ang singer na si Michael Laygo kasama ang kanyang pamilya. Active pa rin umano si Michael sa kanyang singing career sa Las Vegas. Ang isa pang Las Vegas-based celebrity ay ang dating Thats Entertainment at OctoArts contract artist na si Mikee Villanueva.
Napag-alaman namin na marami umanong clubs sa Japan ang nagsasara ngayon dahil sa sobrang paghihigpit ng Japan authorities sa mga Filipino entertainers. Kung noong mga nakaraang taon ay Japan ang target ng napakarami nating mga entertainers pati na rin mga artista, ngayon ay iba na ang takbo ng sitwasyon doon.
Maging ang successful singer-businessman na si Bobby Valle ay aminado na talagang biglang humina ang kanilang dalawang club sa Chiba. Although bukas pa ang kanilang dalawang club doon, hindi niya ikinakaila na ang income nila ay biglang bumagsak. Mabuti na lamang daw at meron pa silang ibang business doon, ang kanilang restoran na maganda pa rin ang takbo.
Dahil sa mahinang kita ng dalawang club nina Bobby sa Japan, mas tinututukan niya ngayon ang kanilang bagong bukas na entertainment center along Leon Guinto St. sa Malate, Manila. Ayon kay Bobby, unti-unti na rin umano itong nakakahatak ng tao.
Kabilang sa entertainment center ang Kape Cafe, Maku Hari Restaurant, isang teatro at isang family KTV. Nung nakaraang Disyembre ay fully-booked ang nasabing entertainment center na pag-aari ni Bobby at ang Japanese wife nitong si Chieko Kimura.
Pansamantalang hindi mapapanood sa programang Bahay Mo Ba `To si Gladys Reyes dahil nakatakda itong magsilang anyday now sa kanilang magiging unang supling ni Christopher Roxas.
Mami-miss man ni Gladys ang kanyang mga kasamahan sa Bahay Mo Ba `To, mahaharap naman niya ang kanyang unang pagiging isang ina.
Tanggap na ni Jimmy Bondoc ang relasyon ng kanyang dating kasintahang si Nina at si Nyoy Volante. Kung masaya umano si Nina ngayon, masaya umano siya para sa kanyang ex-girlfriend. "She deserves to be happy. Kung masaya siya ngayon, masaya rin ako para sa kanya," simpleng pahayag ni Jimmy.
Si Nina na isa sa mga top-selling recording stars ng Warner Music Philippines ang napisil ng Regal Films at GMA Films para umawit ng theme song ng kanilang pre-Valentine presentation, ang I Will Always Love You na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.
Masayang-masaya sina Uma Khouny at Sam Milby dahil nabigyan na sila ng working permit ng Bureau of Immigration. Ngayong legal na ang kanilang pagtatrabaho sa Pilipinas hindi na sila kabado na silay ma-deport. Parehong nag-bayad ng multa ang dalawang ex-housemates sa Pinoy Big Brother house na sina Sam at Uma.
Ayaw magpaapekto ng komedyanteng si Jose Manalo, ang tinanghal na Best Supporting Actor sa nakaraang Metro Manila Film Festival dahil kinukuwestiyon ang kanyang panalo.
Ayon kay Jose, hindi umano niya inasahan ang kanyang panalo lalupat comedy ang kanyang role pero ginawa umano niya ang kanyang magagawa sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa pelikulang Enteng Kabisote 2.
Aware si Jose na pawang mabibigat ang kanyang mga kasabay na nominado kaya isang malaking sorpresa sa kanya ang pagkakapanalo bilang best actor. Katunayan, nakaalis na si Jose ng Aliw Theater kung saan ginanap ang gabi ng parangal ng MMFF.
Tumuloy si Jose ng Zirkoh kung saan siya may show at isinunod doon ni Direk Tony Y. Reyes, direktor ng Enteng Kabisote 2 ang kanyang tropeo habang siyay nagsu-show kaya hindi naiwasan ng komedyante ang mapaluha sa sobrang tuwa.
Si Jose ay may dalawang regular show sa telebisyon, ang long-running noontime show na Eat Bulaga at Daddy Di Do Du.
Email: [email protected]
Sa Las Vegas na rin namimirmihan ang iba niyang mga kapatid na sina Jeffrey at asawa nitong si Leni Santos, James, Johnny at Jonathan. Ang isa pa nilang kapatid na si Eddie ay sa California naman naka-base habang ang isa pa nilang kapatid na si Jay-Jay ay siyang naiwan dito sa Pilipinas.
"Nandito ako sa Vegas since November last year. Hanggang February ako rito dahil may project akong binubuo dito. By March na ako babalik ng Tokyo," bungad niya sa amin.
Ibinalita rin sa amin ni Jobelle na bumili umano siya ng isa pang bahay sa Las Vegas na balak niyang ipa-rent-out. May condo unit din siya sa Tokyo, Japan.
Ibinalita sa amin ni Jobelle na balak niyang kasuhan ang kanyang naiwang maid sa kanyang condo sa Japan na si Tintin dahil umalis umano ito sa condo nang hindi nagpaalam at may tangan umanong valuables. Since nasa Las Vegas pa si Jobelle, hindi pa niya alam kung anu-anong gamit niya ang tinangay nito.
Mahigit tatlong taon na kay Jobelle si Tintin at trinato niya itong kapamilya. Si Jobelle din ang gumawa ng paraan para makapunta ng Japan si Tintin. Pinakiusapan na lamang ni Jobelle ang kanyang Japanese businessman boyfriend (ama ng anak niyang si Julina) na palitan ang lock ng kanyang condo para hindi na muling makapasok si Tintin na TNT ngayon sa Japan.
Ibinalita rin pala ni Jobelle na sa Las Vegas na rin naka-base ngayon ang singer na si Michael Laygo kasama ang kanyang pamilya. Active pa rin umano si Michael sa kanyang singing career sa Las Vegas. Ang isa pang Las Vegas-based celebrity ay ang dating Thats Entertainment at OctoArts contract artist na si Mikee Villanueva.
Maging ang successful singer-businessman na si Bobby Valle ay aminado na talagang biglang humina ang kanilang dalawang club sa Chiba. Although bukas pa ang kanilang dalawang club doon, hindi niya ikinakaila na ang income nila ay biglang bumagsak. Mabuti na lamang daw at meron pa silang ibang business doon, ang kanilang restoran na maganda pa rin ang takbo.
Dahil sa mahinang kita ng dalawang club nina Bobby sa Japan, mas tinututukan niya ngayon ang kanilang bagong bukas na entertainment center along Leon Guinto St. sa Malate, Manila. Ayon kay Bobby, unti-unti na rin umano itong nakakahatak ng tao.
Kabilang sa entertainment center ang Kape Cafe, Maku Hari Restaurant, isang teatro at isang family KTV. Nung nakaraang Disyembre ay fully-booked ang nasabing entertainment center na pag-aari ni Bobby at ang Japanese wife nitong si Chieko Kimura.
Mami-miss man ni Gladys ang kanyang mga kasamahan sa Bahay Mo Ba `To, mahaharap naman niya ang kanyang unang pagiging isang ina.
Si Nina na isa sa mga top-selling recording stars ng Warner Music Philippines ang napisil ng Regal Films at GMA Films para umawit ng theme song ng kanilang pre-Valentine presentation, ang I Will Always Love You na pinagbibidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin mula sa direksiyon ni Mac Alejandre.
Ayon kay Jose, hindi umano niya inasahan ang kanyang panalo lalupat comedy ang kanyang role pero ginawa umano niya ang kanyang magagawa sa role na ipinagkatiwala sa kanya sa pelikulang Enteng Kabisote 2.
Aware si Jose na pawang mabibigat ang kanyang mga kasabay na nominado kaya isang malaking sorpresa sa kanya ang pagkakapanalo bilang best actor. Katunayan, nakaalis na si Jose ng Aliw Theater kung saan ginanap ang gabi ng parangal ng MMFF.
Tumuloy si Jose ng Zirkoh kung saan siya may show at isinunod doon ni Direk Tony Y. Reyes, direktor ng Enteng Kabisote 2 ang kanyang tropeo habang siyay nagsu-show kaya hindi naiwasan ng komedyante ang mapaluha sa sobrang tuwa.
Si Jose ay may dalawang regular show sa telebisyon, ang long-running noontime show na Eat Bulaga at Daddy Di Do Du.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended