Sa kwento ng Etheria, si Hagorn ang magpapahamak kay Raquim (Dennis Trillo) sa pamamagitan ng pagtuturo dito na siyang pumatay sa mga Etherian.
Ang Etheria ang pinakamalaking hamon kay Ping na iniwan ang kanyang pag-aaral para hanapin ang kanyang kapalaran. Alam niya na magaling na aktor ang kanyang ama pero, hindi nakakaapekto ni bahagya man sa kanya ang katotohanang ito. "Ini-enjoy ko lang ang trabaho ko, ito naman ang advice ng ama ko," sabi niya.
Unang napansin si Ping sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
Samantala, pinanood ni Sid at pinag-aralan ang role niya nung si Bobby pa ang gumaganap nito. "Sa kabila nito, nag-buckel pa ako nang una akong isalang sa kamera," sabi niya.
Ang kuwento ng Etheria ay ang tangkang pagsagip ng mga Sang-gre (Amihan, Pirena, Alena at Danaya) sa huling dugo ng mga 4 na Sang-gre, si Cassandra (Ella Guevara), anak ni Lira (Jennylyn Mercado) na likha ni Cassiopea (Cindy Kurleto). Nakakulong ito sa isang ginintuang orasan para makabangon ang Etheria, ang ika-limang kaharian ng Encantadia pero, magugunaw naman ang apat at ang pagkakaligtas lamang nito ang mag-aalis sa sumpa. Mapapanood, Lunes hanggang Biyernes, GMA7.