Umalis na lang siya dahil nababastos na siya at di na lang pinatulan ang pinagsasabi nito.
Akala ni Wilson ay isa siyang kaibigan at di niya maintindihan kung bakit siya ang itinuturong nag-manipulate sa resulta ng botohan na napaka-unfair para sa kanya ayon kay Wilson.
Siya pa naman ang nag-nominate kay Mother para sa Lifetime Achievement Award pagkatapos ay yun lang ang kanyang napala. "Sana may reklamo pala siya ay kinausap muna niya ako o ang execom at mga hurado sa isang meeting para naayos ang gulo," aniya.
Dahil sa patuloy na paninira laban sa kanya at mga alipustang ipinupukol sa kanya ay pinag-uusapan nila ng kanyang mga abogado ang pagsasampa ng kaukulang demanda.
Maganda ang tandem nila ni Manny at bagay na co-host nito si Champagne dahil articulate at spontaneous kapag nag-iinterbyu ng mga sikat na sports celebrities. Nagtrabaho rin ito bilang account manager ng Stargate Media na nagpa-publish ng People Asia Magazine.