Kasing-galing ba sila ng mga ama nila?
January 15, 2006 | 12:00am
Di tulad ni Ping na dala-dala ang pangalan ng kanyang amang si Pen Medina, si Sid Lucero na anak ni Mark Gil, nag-iba ng pangalan dahilan daw sa marami nang De Mesa at Eigenmann sa showbiz. Ang dalawa ay parehong nasa cast ng malaganap na programa ng GMA7 na Etheria at kapwa kinakitaan ng galing sa pagganap, si Ping sa role na ginampanan ng kanyang ama sa Encantadia (batang Hagorn) at si Sid bilang Asval na sa Encantadia ay ginampanan ni Bobby Andrews.
Sa kwento ng Etheria, si Hagorn ang magpapahamak kay Raquim (Dennis Trillo) sa pamamagitan ng pagtuturo dito na siyang pumatay sa mga Etherian.
Ang Etheria ang pinakamalaking hamon kay Ping na iniwan ang kanyang pag-aaral para hanapin ang kanyang kapalaran. Alam niya na magaling na aktor ang kanyang ama pero, hindi nakakaapekto ni bahagya man sa kanya ang katotohanang ito. "Ini-enjoy ko lang ang trabaho ko, ito naman ang advice ng ama ko," sabi niya.
Unang napansin si Ping sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
Samantala, pinanood ni Sid at pinag-aralan ang role niya nung si Bobby pa ang gumaganap nito. "Sa kabila nito, nag-buckel pa ako nang una akong isalang sa kamera," sabi niya.
Ang kuwento ng Etheria ay ang tangkang pagsagip ng mga Sang-gre (Amihan, Pirena, Alena at Danaya) sa huling dugo ng mga 4 na Sang-gre, si Cassandra (Ella Guevara), anak ni Lira (Jennylyn Mercado) na likha ni Cassiopea (Cindy Kurleto). Nakakulong ito sa isang ginintuang orasan para makabangon ang Etheria, ang ika-limang kaharian ng Encantadia pero, magugunaw naman ang apat at ang pagkakaligtas lamang nito ang mag-aalis sa sumpa. Mapapanood, Lunes hanggang Biyernes, GMA7.
Apat na ang natatanggal sa Final 14 ng StarStruck The Nationwide Invasion, at isa na naman sa 10 ang magpapaalam ngayong gabi sa live episode ng programa. Sino kina Chuck Allie Sara Larsson, Gian Carlos, Bugz Daigo, Jana Roxas, Marky Cielo, Arci Muñoz, Jackie Rice, Vivo Ouano at Iwa Moto ang idedeklarang lowest three at buong-kabang haharapin ang kapalarang naghihintay sa kanila? Bukod sa napipintong elimination ng isang survivor, isang malaking sorpresa din ang naghihintay para sa viewers at maging sa natitirang StarStruck Survivors. May kinalaman ang sorpresang ito sa magiging takbo ng challenges sa susunod na Linggo, kaya hindi dapat palagpasin ang kaabang-abang na live StarStruck presentation ngayong gabi.
Sa kwento ng Etheria, si Hagorn ang magpapahamak kay Raquim (Dennis Trillo) sa pamamagitan ng pagtuturo dito na siyang pumatay sa mga Etherian.
Ang Etheria ang pinakamalaking hamon kay Ping na iniwan ang kanyang pag-aaral para hanapin ang kanyang kapalaran. Alam niya na magaling na aktor ang kanyang ama pero, hindi nakakaapekto ni bahagya man sa kanya ang katotohanang ito. "Ini-enjoy ko lang ang trabaho ko, ito naman ang advice ng ama ko," sabi niya.
Unang napansin si Ping sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros.
Samantala, pinanood ni Sid at pinag-aralan ang role niya nung si Bobby pa ang gumaganap nito. "Sa kabila nito, nag-buckel pa ako nang una akong isalang sa kamera," sabi niya.
Ang kuwento ng Etheria ay ang tangkang pagsagip ng mga Sang-gre (Amihan, Pirena, Alena at Danaya) sa huling dugo ng mga 4 na Sang-gre, si Cassandra (Ella Guevara), anak ni Lira (Jennylyn Mercado) na likha ni Cassiopea (Cindy Kurleto). Nakakulong ito sa isang ginintuang orasan para makabangon ang Etheria, ang ika-limang kaharian ng Encantadia pero, magugunaw naman ang apat at ang pagkakaligtas lamang nito ang mag-aalis sa sumpa. Mapapanood, Lunes hanggang Biyernes, GMA7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended