^

PSN Showbiz

Tandem nina Piolo/Juday, still the loveteam to beat

- Veronica R. Samio -
Pinatunayan nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos na malakas pa rin ang kanilang loveteam. Labingwalong milyong piso ang ipinasok sa takilya ng kanilang reunion movie na Don’t Give Up On Us nang magbukas ito sa mga sinehan nung Linggo, Enero 8.

Hindi pa tiyak kung naipanood na ng mga fans ng dalawa dito ang perang galing sa isang malaking fans club sa US. Para ito sa mga fans ng Piolo/Juday na medyo hirap makahanap ng perang pampanood ng sine. Kung hindi pa kasi ay mas malaki pa ang itataas ng kita ng pelikula sa boxoffice.

Ang pelikula na dinirek ni Bb. Joyce Bernal ay isang magandang indikasyon para sa pelikulang Pilipino na kumita ng P300M sa katatapos na MMFFP.
* * *
Talagang kabilang na sa showbiz ang kinikilalang doktor ng mga artista na si Dr. Joel Mendez. Host na ito ng isang bagong programa ng RPN 9, ang WOW o What’s On Weekend, isang travel show na magtatampok ng mga interesting places, personalities and good food here and abroad.

Nagsimulang mapanood ang programa nung Dis. 31, Sabado, 3-4 NH at nagtampok sa abalang kalye ng Binondo. Ang sumunod na episode ay tungkol sa Angono. Co-host ni Dr. Mendez si Ms. Beverly Verches.

Bukod sa WOW, host din si Dr. Mendez ng Body & Face by Mendez sa RJTV (Ch. 19 sa Sky at Home Cable), Sabado, 8-9NG.
* * *
Dahilan sa dumaraming pangangailangan ng mga myembro ng Mowelfund, hindi na ito matugunan ng bahagi ng kita na nakukuha nito sa taunang MMFFP na mula sa 60% ay naging 30% na lamang, umisip ang foundation ng mapagkakakitaan at isa na rito ang fund-raising project na sinimulan ni Richard Merck na magaganap sa Enero 30, 7NG sa3/F, Merck’s Bar Bistro, Greenbelt, Makati.

Pinamagatang Alay Ko Para Sa Aking Kapwa Artista, ang pabenepisyo ay nasabay din sa pagdiriwang ng ika-61st birthday ni Boots Anson Roa, Executive Director ng Mowelfund.

vuukle comment

ALAY KO PARA SA AKING KAPWA ARTISTA

BAR BISTRO

BEVERLY VERCHES

BOOTS ANSON ROA

DR. JOEL MENDEZ

DR. MENDEZ

ENERO

EXECUTIVE DIRECTOR

GIVE UP ON US

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with